Prologue
Maraming nagsasabi na mas matimbang ang mabuhay ng matagal kaysa sa ano pa mang bagay. Marahil ay tama sila dahil aanhin mo nga naman ang lahat ng bagay kung wala ka na namang buhay, wala ng silbi ang lahat ng yun kung hindi ka na humihinga at hindi na tumitibok 'yang puso mo.
Pero paano kung dapat sana namatay ka na pero binigyan ka pa ng isang pagkakataon? Would you use that chance to experience all the things you've never been experience before? Would you use that chance to make feel to all people around you how much you love them? Pero paano kung hindi mo naman ginusto yung pangalawang pagkakataon na yun? Paano kung sana namatay ka na nga lang dahil alam mo namang sa katapusan ng istorya dun din naman ang bagsak mo? Na pinaasa ka lang ng salitang 'buhay', na hindi ka naman talaga nabuhay para iparamdam sa'yo ang totoong kahulugan no'n.
Marami ang istorya sa mundo ngayon na puro happy ending pero ayoko silang pakinggan, ayoko silang panoorin, ayoko silang basahin, dahil ang totoo walang happy ending, pinapaasa lang tayo ng salitang yun. Dahil sa totoo lang binuhay tayo para maranasan ang kamatayan, siguro nga humihinga tayo ngayon pero ang tanong hanggang kailan?
Darating sa point na mawawala ka rin, na iiwan mo rin lang ng taong nagmamahal sa'yo at ang pinakamasakit sa pagkakataon pang ayaw mo nang iwanan sila, sa pagkakataon kung saan masaya ka na, sa pagkakataong ginusto mo na ulit mabuhay.
Ito. Ito ang buong kuwento ng buhay ko, pinaasa, pinasaya pero hindi pang habang buhay, kundi sa sandaling panahon lamang kung saan wala ka ng pagkakataon para baguhin pa yun, wala ka ng magagawa kundi ang tanggapin na hanggang doon na lang yung buhay mo.