[17] - REGRET. LANCE' POV Nandito kami ngayon sa labas ng ICU, kasama ko si Janela, Cedrick at Megan. Na sa loob kasi si tita Armelia pero kahit nandito kami kitang-kita namin kung paano siya umiyak. Kung masakit sa akin alam kong wala ng sasakit pa sa pakiramdam ng isang ina. Hindi man siya ang tunay na ina ni Gail, alam ko na tinuring na niya si Gail na tunay na anak kaya nga siguro kahit isa sa amin o kahit si Gail hindi nahalata na hindi siya totoong anak dahil sa pinapakitang magmamahal at pagmamalasakit sa kaniya ni Tita. Itong si Megan at Janela naman iyak pa rin ng iyak dito pero kahit ako parang gusto ko ring umiyak, walang sinuman kasi sa amin ang gustong magsalita. Pero alam naming lahat kami nasasaktan, lahat kami nahihirapan. Hindi ganito kadaling makitang nag-aagaw buhay s

