[15] - BUCKET LIST. JANELA'S POV Nagpa-pack na kami ngayon ng asawa ko dahil, bukas na ang balik namin sa Manila. Kahit ayoko pa kailangan na rin kami dun lalo na 'tong asawa ko. Patapos na ko nung tumunog cellphone ko, it was Lance. "Oh, hello?" "Na saan ka ngayon? We need to talk." His voice is in hurry, hindi ko maintidihan pero bigla kong kinabahan. "Nandito ko sa suite namin. Bakit ba?" tanong ko. "Sige, I'm on my way sa may coffee shop na lang tayo sa baba magkita." Sabi niya tapos nag-end na yung call. Naku, kung wala lang akong asawa at kung hindi ko lang alam na patay na patay sa bestfriend ko yung si Lance, iisipin kong may gusto sa kin yun, eh. Well, anyway naghanda na ko para bumaba baka importante din naman yung sasabihin niya. "Oh, saan punta mo?" tanong naman sa akin

