[12] - ENDLESS HEARTACHE. GAIL'S POV Ito na yung araw na pinakahinihintay ko, ang araw ng kasal namin. Ito yung pakiramdam na kabaligtaran nung naramdaman ko nung unang beses kaming ikasal. Oo, aaminin ko na mahal ko pa rin naman siya. Kahit ano'ng gawin kong tanggi at pagtatago hindi yun nawala dahil sa hinabahaba nga panahon na sinubukan ko siyang kalimutan, aaminin ko ring kahit minsan hindi ako nagtagumpay para gawin yun. Noon kasi hindi ko alam na unti-unti ko na palang naibigay sa kaniya yung puso ko kaya kahit anong gawin ko ngayon hindi ko na alam kung paano ko pa yun babawiin sa kaniya. Tulad nung sabi ko nung una na ang wedding day ay ang most awaited day para sa isang babae, yung feeling na yun ang nararamdaman ko ngayon kahit pa panibagong kasunduan ang naging dahilan ulit n

