Damian's POV Pang-apat na araw ko na ngayon sa bahay ni Don Armando. Bukas ay may mga taong pupunta rito sa bahay ni Don Armando para tanggapin ang separation pay nila, may iba namang undecided pa. Makakauwi lang ako kapag naayos ko na ang problema ni Don Armando sa mga tao niya. Ito na rin ang chance ko para mas obserbahan pa si Ysa. Mas magandang nandito ako para makita ko mismo kung talaga bang siya si Bella o magkamukha lang sila. May isa pang palatandaan na magpapatunay na siya si Bella, may balat sa pwet si Bella. If I could see that, which is really impossible, isa na 'yon sa patunay ko na siya talaga si Bella. I called Tito Nathan the other day na ipapahukay ko ang labi ni Bella para ipa DNA test kung siya nga ba ang nailibing namin. Sumang-ayon naman siya dahil nagsinungaling a

