"Good morning, Sir!" masiglang bati ni Isabel kay Kyle, PI at Secretary niya ito.
"Good morning!"
"What do we have today?" tanong niya kay Isabel.
"Sir, at 10:30 am you have a business affiliation meeting with Sandoval Holdings."
"At 2:00 pm, site visit with the ongoing construction of the new hotel," saka makahulugang tumingin sa boss niya, "and you have a visitor right now waiting at your office, Sir."
Umarko naman ang kilay ni Kyle sa tinuran nag PI.
"And who must that be?"
"Sir, Pamela Marshan has been here since 8:00 am, kanina ka pa po niya hinihintay," nakangiting baling ni Isabel.
Saulado na yata ni Isabel ang mga pangalan at mukha ng mga babaeng pabalik balik sa opisina ng boss niya.
"Oh ok, thanks for informing me."
"Maasahan ka talaga, Isabel."
"At your service, Sir," turan niya. "Ginagawa ko lang naman po ang trabaho ko as PI/secretary niyo."
"Well good, you never disappoint."
"Don't worry you will have a salary increase and additional allowance for good work performance."
"Thank you very much, Sir!"
"Just prepare all the documents I need for today."
"Bring them inside after Pamela goes."
"Yes, Sir!" Palihim na napapangiti si Isabel dahil parang alam na naman niya ang magaganap sa loob ng opisina ng boss niya ngayong umaga.
Nasanay na rin siya sa ganuong sitwasyon sa opisina ng kanyang boss sa limang taon niya na pagtatrabaho dito.
"Honey, good morning!" masiglang bati ni Pamela.
"Why too early?" tanong ni Kyle sa babae.
"I missed you Honey, that's I'm early," malambing nitong wika. "Besides, hindi ka nagpaparamdam."
"Gusto ko na ngang magtampo sa'yo."
"I am busy, you know."
"Ows, really busy with whom?"
"Are you questioning me?"
"Well, no. I'm just curious."
"So much for your curiosity, better come and sit on my lap."
Nawala namang bigla ang tampo ng babae sa narinig at sinunod ang utos ni Kyle.
"You know I miss you too," bulong ni Kyle
"Really?"
"Yes," at sinimulan niya ng halikan ang babae sa leeg.
"Mmmmn," pigil hininga na ungol ni Pamela.
"Kyle, let's do it somewhere else."
"Why? Nobody will disturb us."
"The door is locked and I instructed my secretary not to disturb me while you're here," paliwanag ni Kyle.
"Oh is that so?" nakangiting tugon ni Pamela.
"Then what are you waiting for?" ungot nito.
"Ravish me now."
Naging abala ang mga kamay ng bawat isa sa para mairaos ang init ng kanilang mga katawan.
Tanging mahihinang ungol at impit ang maririnig sa loob ng opisina ni Kyla sa umagang iyon.
Madalas ang ganitong pangyayari sa opisina ni Kyle. Wala naman siyang nabubuntis dahil sangkatutak na condom ang nakaimbak sa kanyang opisina.
"You're so good Honey, as always." puring wika ni Pamela kay Kyle pagkatapos ng kanilang maagang pagniniig.
"Of course, you will not come if I am not that good." may pagmamayabang sa tinig ni Kyle.
"Yeah you are so good, Mr. Conceited CEO," biro ni Pamela.
"But you like this conceited CEO too much."
"I know, I know, so can we meet again tonight?"
"As much as I want to, I can't."
"And why?"
"You're asking to many questions," walang emosyon na tugon ni Kyle.
"I've got an appointment, now no more questions."
"You can go, I have some work to finish," pagtaboy nito kay Pamela.
Lihim na nasasaktan ang babae, akala niya kasi ay mamahalin din siya ni Kyle pero hindi pala.
Siguro kailangan na niyang putulin ang kahibangan niya dahil hindi naman lingid sa kanya na hindi lang siya ang babae sa buhay nito.
Bubulong - bulong naman si Kyle pagkawala ni Pamela.
What the heck, nagging me early in the morning.
Iyon pa na naman ang pinaka ayaw niya sa lahat. Kaya nga ayaw niyang mag - asawa. At isa pa hindi siya na naniniwala sa love at happy ever after.
"Sir, dadalhin ko na po dyan sa inyo ang mga documents na kailangan n'yo?" tanong ni Isabel sa may pinto na kumatok ng mahina.
"Sige, sige bring it inside," sagot niya na tila natauhan sa pag -iisip.
Ipinatong ng secretary ang mga folders sa mesa at nagtanong kung ito kung ipagtitimpla na ba siya ng kape.
Sinabi niya na hindi na muna lalabas na lang siya sa para magpalamig ng ulo.
………..
"Tine, may balita na ba sa mga na - applyan mo? tanong ni Eva kay Kristine habang nag - almusal sila.
"Wala pa nga, halos lahat ng interview na napuntahan ko, tatawagan na lang daw ako," malungkot ni wika ni Kristine.
"Tine, ganyan talaga," pang - aalo ni Eva sa kaibigan. "Matatanggap ka rin, go lang ng go baka may nakalaan talagang para sa'yo."
"Huwag kang mag - alala sa gastusin dito sa bahay, akin na muna lahat habang wala ka pang trabaho."
"Basta unang sahod mo, libre mo ko," biro ni Eva sa kaibigan para gumaan ang pakiramdam nito.
"Tsaka kung wala ka namang interview sa araw na ito, maglakad lakad ka muna." suhestiyon ni Eva.
"Huwag na dito na lang ako sa bahay, mag - ayos na lang ako dito sa bahay."
"Tine, sa Sunday ka na maglinis kasi wala akong pasok tulungan kita," pangungumbinsi ni Eva.
"Maglibang - libang ka habang hindi ka pa nakakapasok nang trabaho."
"Hindi ko kasi alam kung saan ako pupunta," wala sa loob ni Kristine.
"Mamasyal ka sa mga mall, hindi kita masamahan may pasok kasi ako ngayon."
"Walang problema, ako na lang."
"Kailangan ko nga siguro maglakad - lakad nang masanay ako dito sa Maynila tsaka baka may makita pa akong may mga hiring."
"Ganyan nga Tine, huwag magmukmok dito sa bahay kasi lalo ka lang malulungkot."
"Tsaka kapag may trabaho ka na halos wala ka ng oras mamasyal lalo kapag demanding an napasukan mong kumpanya."
"Sabagay kailangan kong samantalahin habang wala pa akong trabaho."
"Medyo nakakabagot din ang maghapong walang kausap."
"Kaya nga Tine, lalo mo lang maaalala ang ex - boyfriend mo kung nakamukmok ka lang dito," paliwanag ni Eva.
"Hayaan mo hindi ako mag - overtime ngayon para makauwi ako ng maaga."
"Salamat Eva, hindi ko alam kung saan ako pupunta kung wala ka."
"Huwag kang mag - alala magiging maayos din ang lahat," pampalakas ng loob ni Eva kay Kristine.
"Mauna na ako sayo Tine ha, basta pasyal pasyal ka, kahit dyan lang sa malapit na mall," bilin pa ni Eva bago umalis.
Naglinis lang nang saglit si Kristine at gumayak na din siya para maglakad lakad. Gusto niyang libangin ang sarili upang kahit saglit ay hindi niya maalala ang mapait na kabiguan na sinapit.
FLASHBACK
"Tita Nancy, magandang araw po, dadalaw po sana ako kay Kristine," si Luke iyon ang masugid na manliligaw ni Kristine.
"Luke, ikaw pala," masayang wika ni Aling Nancy.
"Pasok ka, upo ka doon sa sala," anyaya ni Aling Nancy.
"Tawagin ko lang si Kristine sa kwarto niya sa itaas."
"Maraming salamat po, Tita Nancy," kiming tugon ni Luke na may hawak na isang pumpon ng rosas na pula para kay Kristine.
Mahigit anim na buwan na ring nanliligaw si Luke kay Kristine subalit hindi pa ito sinasagot ng dalaga.
Halos araw - arawin ni Luke ang panliligaw sa dalaga, ika nga walang matimtimang birhen sa matiyagang magdasal.
Maya maya pa ay nakarinig ng yabag si Luke pababa sa hagdan.
Kahit araw - araw niya nakikita si Kristine ay tila ba lagi siyang namamalik - mata sa ganda sa tuwing nakikita niya ito.
"Magandang hapon, Tine," bungad na bati ni Luke.
"Bakit ang aga naman yata nang dalaw mo ngayon?" nakangiting tanong ni Kristine kay Luke.
"Kulang kasi ang araw ko kapag hindi kita nakikita," pambobola naman ni Luke.
"Ay naku makabola ka naman wagas," sagot ni Kristine.
"Hindi po ako tatalbog kahit ano pang pambobola ang sabihin mo," nakangiting wika ni Kristine sa manliligaw.
"Hindi naman kita binobola, Tine," pangungumbinsi ni Luke.
"Nagsasabi ako ng totoo, kapag nakita kita ay buo na ang araw ko."
"Hay naku Luke, ewan ko sa'yo hindi naman mababawasan ang 24 oras ng isang araw kung hindi mo ako makikita."
"Para nga pala sa iyo," pag - iba ni Luke sa usapan, sabay abot ng mapupulang rosas kay Kristine.
"Salamat, ang ganda naman ng mga bulaklak na ito," wika ni Kristine sabay samyo sa mga bulaklak.
"Magpalamig muna kayong dalawa," si Aling Nancy may dalang meryenda para sa dalawa.
"Salamat po, Tita," pagpasalamat ni Luke.
Walang tutol ang mga magulang ni Kristine sa panliligaw ni Luke dahil pormal itong umakyat ng ligaw sa bahay nila. Isa pa may tiwala sila sa anak nilang si Kristine. Alam nila na hindi lalampas si Kristine sa limitasyon nito dahil napalaki nila ito ng maayos at may magandang asal.
"Tine, kailan ko kaya maririning ang matamis mong oo?" tanong ni Luke kay Kristine.
"Nakatikim ka na ba nang oo? Paano mo naman nasabi an matamis ang oo?" pagbibiro naman Kristine.
"Tine, para sa taong umiibig walang kasing - tamis ang sagot na oo mula sa iniirog," pangatwiran ni Luke.
"Ha ha ha, ano 'yan asukal," patuloy niyang pagbibiro sa manliligaw.
Lingid sa kaalaman ni Luke ay may balak na si Kristine na sagutin siya, idinadaan lang ng dalaga sa biro dahil kinakabahan din ito.
Nag - aalangan pa din siya siya kung tama ba ang gagawin niya. Kung magtitiwala ba siya dito. Naiisip niya wala naman sigurong masama kung subukan niya, isa pa nahulog na din ang loob niya sa binata dahil napakatiyaga nitong manligaw.
"Tine, may pag - asa ba ako kahit konti?" ungkat ni Luke
"Ano bang pag - asa tinatanong mo d'yan?"
"Kung may pag - asa ba akong mahalin mo din?" lakas na loob ni Luke.
"Kanina matamis na oo, ngayon naman pag - asa, ano ba talaga ang gusto mo?" nakangiting tugon ni Kristine.
"Mas maganda kung ang dalawa," kinakabahan naman na tugon ni Luke.
"Ano ba ang gusto mong sagot?" tanong ng dalaga.
"Kung pwede sana oo, may pag - asa akong mahalin mo," kabadong pahayag ni Luke.
"Sigurado ka?" maang na tanong ni Kristine.
"Oo Tine, ang tagal ko nang hinahangad na sagutin mo ako ng matamis na oo," pinagpapawisan ng pahayag ni Luke.
"Oo na, may pag - asa ka nang mahalin kita," nakangiting tugon ni Kristine.
"Yahoo, sa wakas," napatalon pa ito sa tuwa.
"Hoy, ano ka ba!"
"Dahan dahan naman ang sigaw mo, nakakahiya sa makarinig," saway ni Kristine kay Luke.
"Masayang - masaya lang ako Tine, sa wakas," tugon ni Luke.
Unti - unti namang umagos ang luha ni Kristine dahil sa mga alaalang iyon. Ipinilig niya ang ulo at sinwata ang sarili.
"Hay naku Kristine, ayusin mo sarili mo hindi pa katapusan ng mundo," bulong niya sa sarili.