"Kamusta bro!?" agad na bati naman nila Lucio, Gabriel at Dolf ng dumating ang kanilang kaibigan. Nag Man Hug muna sila bago pumasok sa mansion ng mga Zegglir, laging wala ang mga magulang ni Dolf, gawa ng marami ding mga Negosyo ang mga ito. May ari ng wine ang pamilyang Zegglir, kaya laging si Dolf ang nasa kanilang bahay dahil may sarili namang pamilya ang mga kapatid nito.
“ Bro! dumating na kuya at ate ko, punta kayo sa bahay bukas ipapakilala ko kayo sa kanila at may pamangkin na ako sa wakas. Nagka anak na ang kuya at ate". Masayang pag babalita nito sa mga kaibigan. Tuwang-tuwa talaga siya ng malaman na may pamangkin na siya.
“ Wow! Congrats Bro!". panabay na bati ng tatlo, masaya sila para sa kanilang kaibigan. Napaka bait talaga nito at maaasahan. Biruin mo sa murang edad nagawa nitong palakihin ang munting Negosyo ng kapatid. Kaya laking pag hanga nila dito dahil hindi ito katulad sa ibang mga nakilala nilang Kabataan na hambog.kaya nila ito nagustuhan dahil isa itong responsabling tao.
Agand namang inatupag ng mag-kakaibigan ang ka nilang group activity para sa kanilang presentasyon kinabukasan. Ilang buwan na lang ay magtatapos na sila sa Secondarya. Napag usapan din nilang magkakaibigan na sa iisang paaralan lamang sila mag aaral ng kolehiyo. Ngunit itong si Gabriel ay pag Do-Doctor ang kurso nito ayon na rin sa kagustuhan ng mga magulang nito dahil may ari ang mga ito ng Hospital.
Sumapit na ang alas Otso ng gabi ay nag kanya-kanya na silang uwi sa kani-kanilang bahay. ngunit napag pasyahan ni Roman na Dumeritso muna sa isang Mall para bilhan ng Crib ang kanyang pamangkin para maka tulog ito ng maayos, pati Narin ang kanyang ate at kuya.
Napili niya ang isang puting Crib, at agad iyong binayaran, ng marating ang kanilang bahay ay nagulat pa ang mag-asaw sa kanyang akay-akay. Hindi man lang nabigatan sa kanyang sukbit. Agad namang dinaluhan ni Rolando ang kanyang kapatid ng makita niya ito sa hamba ng pinto na may pasan na Crib.
Laking tuwa at pasasalamat naman ng mag-asawa, hindi na kasi nila naisip ang bumili pa ng Crib dahil narin sa pagod pa sila sa kanilang byahe, Pinag tulungan nila iyong iakyat sa itaas at inayos naman nila agad iyon.
Naku mahal na mahal talaga ng tito itong prinsesa natin Mahal. Ani Fatima habang karga-karga ang sanggol.
"Hi baby princess, I’m your tito Roman". Kausap nito sa sanggol na tulog. Napatawa pa sila ng bigla itong ngumiti ng kausapin ni Roman. "Naku mahal maka tito itong Prinsisa natin". ani Fatima habang karga-karga nito ang sanggol.
Kina umagahan ay nag tungo ang mag-asawa sa isang Agency kung saan sila pwede makakuha ng magiging katulong at kasama nila sa bahay. Kumuha sila ng Tatlong katulong. Ang isa ay kasama ni Fatima na mag babantay sa bata, at ang dalawa naman ay naka tuka sapag lilinis at pag luluto. kung wala namang lakad si Fatima ay tulongan ang tatalong katulong sa gawaing bahay.
"Mahal gusto mo bang sumama? Bibisitahinn ko ang mga sangay ng ating Negosyo". Ani Rolando sa asawa.
"Segi mahal, pero isasama natin si Princess". Ani Fatima.
"Okay mahal, isama Narin natin ang isang kasambahay para may ka alalay ka sap ag karga". Suhestyon naman ni Rolando na agad din namang sinang ayunan ni Fatima.
Inisa-isa nilang binisita ang mga sangay ng kanilang Negosyo at laking pasasalamat at tuwa nila sa mga nagawa ni Roman. Dahil hindi lamang iyon simpleng Hardware. Ang lalaki kasi ng mga Hardware na pag-aari nila. Kaya naman ay naka buo din siya ng sariling plano, pag tulongan nilang magkapatid ito para mas lalao pang lumago at makilala sa buong mundo.
Napaka swerte nila kay Roman dahil napaka buti nito at hindi pasaway na kapatid sa kanila. Mapag ka tiwalaan sa lahat ng bagay.
“ lumipas pa ang napaka habang panahon at ngayun nga ay Malaki na ang kanilang anak na si Grezhel Scarlet, nasa Elementarya na ito at kasalukoyang graduating at isang Valedictorian ang kanilang anak kaya mas lalao pang na dagdagan ang kanilang saya dahil sa mga tagumpay na kanilang natatamasa ngayun. Hindi man nila tunay na anak si Grezhel nag papasalamat parin sila sa Panginoon dahil binigyan sila ng pagkakataon na maging isang magulang sa pag-aalaga sa anak ng kanilang amo. at nag umaapaw naman ang biyayang kanilang natanggap sa araw-araw,.
Kaya naisip nila kung dumating man ang tamang panahon na bawiin na sa kanila si Grezhel ng mga tunay nitong mga magulang ay buong puso nila itong isasauli kahit pa masakit para sa kanila ay gagawin nila ang nararapat, dahil simula pa lang ay alam nila ang totoo at ang dahilan kung bakit nasa kanila ang bata. hiling lang nila ay payagan sila ng mga ito na mabisita nila si Grezhel.
“ congratualation baby!” panabay na pag bati ng mag asawa sa kanilang anak ng maisabit nila ang medalya nito sa stage. Naroon din si Roman at s’ya ang kumokuha ng litrato sa mag-anak.
Na pili nilang sa isang mamahaling Restaurant e celebrate ang pag tatapos ni Grezhel sa Elementarya at pagka tapos ay umowi din agad sila dahil kina kailangan pa nilang pumunta sa kanilang kompanyang pag-aari dahil may meeting pa silang dadaluhan mamayang alas singco ng hapon. Hinatid na muna nila si Grezhel sa kanilang bahay bago umalis ang mag-asawa at tinungo ang kompanya ng mga ito. Naroon naman na si Roman dahil hindi na ito sumama pang ihatid si Grezhel dahil may sarili naman itong sasakyan at kailangan din na mauna ito dahil nakakahiya naman sa kanilang investor kung tatlo silang late sa naturang usapan.
Ngunit sa hindi inaasahang pang yayari ay na disgrasya ang mag-asawang Reigns at naging sanhi ito ng pagka sawi ng mag-asawa.
Kasalukoyan sa Reigns Engineering firm&CO. ay hindi mapakali si Roman, halos mag trenta minutos na ang naka lipas ay hindi pa dumadating ang kanyang ate at kuya. Kanina pa s’ya nag hihintay sa mga ito dahil mag-uusap muna sila bago dumating ang kanilang bagong investor dahil may natuklasan s’yang hindi magadang ginagawa ng kanilang ka sosyo sa Negosyo. Lumipas pa ang benti minutos ay hindi parin dumadating ang mga ito.
Hindi n’ya alam pero grabi ang kabang kanyang naramdaman. Nanlalapot ang kanyang pawis na hindi n’ya maintindihan. Wala naman s’yang ibang nararamdaman O na ta’tae. Kaya naman ay niluwagan n’ya ang kanyang kurbata at piniling ma upo sa kanyang swevil chair at napa hugot ng malalim na hininga.
Hindi n’ya alam kung bakit pero bigla n’ya na lang kinuha ang Remote ng telebesyon sa drawer ng kanyang lamesa at binuksan ang TV dahilan para ma gulat s’ya sa bumongad sa kanyang balita ng mabuksan n’ya ang Telebesyon sa kanyang opisina.
Natagpuang umaapoy na sasakyan sa gilid ng daan ang kanyang Nakita, kilalang-kilala n’ya ang sasakyang iyon hindi s’ya pwedeng magka mali kaya naman ay mas domobli ang kanyang kaba, at ng ma flash ang plate number ng sasakyan ay doon na lang basta tumulo ang kanyang mga luha.
Agad naman s’yang umalis sa kanilang kompanya at tinungo ang naturang lugar kung saan ang pinag disgrasyahan ng kanyang ate at kuya. Halos paliparin n’ya na ang kanyang sasakyan para lang maka rating agad sa pinangyarihan ngunit wala na ang mga ito doon at tanging iilan lamang ang naroon kabilang na ang mga reporter kaya naman ay nag tanong s’ya sa iling taong naroon at Mabuti nalang ay sinabi sa kanya ng mga ito kung saang Hospital dinala ang kanyang kapatid at ang asawa nito.
Agad n’yang tinungo ang Hospital nap ag-aari ng kanyang kaibigang si Gabriel, ngunit ng marating n’ya ang naturang Hospital ay ideniklarang Death on arrival ang mag asawa sanhi ng hindi ito agad na dala sa Hospital at maraming dugo ang na wala sa mga ito dahil grabi ang pagka bagok ng mga ulo nito.
Ng makita n’ya ang mukha ng dalawa ay mas lalo s'yang nanghina. Halos hindi na makilala ang mga ito at parang sinadya ang mga pasa na nasa mga mukha nito. Parang ng ma bangga ang mga ito ay imbis na tulongan para mailigtas ay parag binogbog pa ang mga ito O pinag papalo ng kung anong bagay.
Pinakiusapan n’ya ang kaibigan na ipapa autopsy at gusto n’yang nasa loob sila ng kanyang kaibigang si Gabriel at ito mismo ang gagawa, hindi lang basta isang Doctor ang kanyang kaibigan. isa itong General Doctor ngunit mas focus ito sa pag papa-anak O, OB-GYNE.