Samantala ng makapasok na sila Grezhel sa loob ng amponan ay dumeritso ang ga ito sa kusina para ilagay ang mga pinamili ng Madreng kasama, habang busy ang dalawa sa pag salansa sa mga dala ay s'ya namang pasok ni Mothe superior.
"O Sister Laiza sino itong kasama mong magandang dalagita.?" tanong ng Superior na si Mother Superior Erlinda M. Penada.
"Mother!" gulat na sambit ni Sister Laiza, dahil hindi nito na pansin ang biglaang pag sulpot ng superior sa kusina, napa hawak pa ito sa dibdib.
"Iwasan kasi ang pagkakape sa sa kalagitnaan ng gabi sister ng hindi ka magugulatin." pag bibiro pa nito.
"S'ya nga pala Mother superior, s'ya si Grezhel, nakita ko kasi s'ya kanina sa labas sa gilid ng gate naka upo at umiiyak kaya sinama ko na papasok dito, hindi ko pa s'ya naitanong kung bakit s'ya na padpad dito, pero na aawa ako sa kalagayan n'ya. mamaya na lang po natin s'ya tatanungin pagka tapos namin dito, dadalhin ko po s'ya sa opisina ninyo. ani Sister Laiza na ikina ngiti lamang ng kanilang superior.
"Segi tapusin n'yo muna ang inyong ginagawa d'yan at pakainin mo muna si Grezhel saka kayo pumonta sa opisina ko."wika nito bago tumalikod at umalis na sa kusina.
Matapos maisalansa ang mga pinamili ay agad na nag handa ng hapunan ang dalawa, tinulongan ni Grezhel na mag gayat ng mga lulutuin si Sister Laiza hanggang matapos ang mga ito sa pag luluto ay naiwan muna si Grezhel sa kusina dahil lumabas pa ang naturang Madre para tawagin ang mga kasamahan nito sa loob ng mga amponan, di nag tagal ay isa-isa namang pumasok ang mga kabataan na inabandona ng mga magulang ng mga ito mula pa sa pagka silang, ang iba naman ay mga palaboy na kinupkop ng mga Madre na nadadaanan ng mga ito sa lansangan.
"Mag hugas muna ng kamay mga Anghel." wika ng isa pang Madre na nag ngangalang Mayora. ng mapatingin ito kay Grezhel ay agad rin itong bumati sa at nagpa kilala.
"Hello Anghel, ako pala si Sister Marie Ella, but you can call me Sister Marupok, este, ay! my bad mouth sorry, you can call me Sister Mayora, welcome to the club ng mga marupok ay este, welcome dito sa Angel Of Hope Orphanage." pagpapakilala nito na ikinatawa ng dalagitang si Grezhel. hindi naman talaga totoong Madre itong si Mayora, naroon lang ito sa bahay amponan gawa ng parusa ito ng mga magulang nito dahil sa katigasan ng ulo kaya naisip ng mga magulang ni Marie Ella na ipasok ito sa isang Orphanage para hindi na ito mag gagala kahit saan.
Mabait naman itong si Mayora kaso may pagka kulit nga lang minsan.
"Ako nga pala si Grezhel Sister marupok, ay Mayora pala." ani Grezhel sabay ngiti.
Masaya silang nag hapunan kasama ang lahat ng mga tao sa loob ng amponan, matapos nilang mag hapunan ay nag bulontaryo naman si Mayora na mag hugas ng pinggan na kanilamng pinag kainan, kaya naman ay nag bulontaryo na rin si Grezhel na tulongan ito, wala din mana s'yang ibang gagawin kaya tutulong na lang muna s'ya sa pag huhogas ng mga pinggan.
Matapos makapag hugas at linis sa boong kusina ay s'ya namang dating ni Sister Laiza at inaya nito si Grezhel na mag punta sa opisina ng kanilang superior para sa kunting katanungan.
ng maka pasok na ang dalawa ay walang pag-alinlangan na tinanong agad ng superior si Grezhel sa mga dahil kung bakit ito na padpad sa lugar. matamang nakikinig lamang ang dalawang Madre sa mga sinabi ni Grezhel.
"Naka tira po ako sa bahay ng T'yahin ko po matapos mamatay ng aking mga magulang ay bigla na lamang itong sumolpot at kinuha ako, wala pa ako sa tamang pag-iisip ng mga panahon na iyon dahil nag luluksa pa ako sa kanilang pagka matay, sabay kasi silang kinuha ng panginoon, na aksedinti sila habang pa punta sa aming kompanya ng mga Oras na iyon , at iyon din ang araw ng aking pagtatapos sa elementarya."
"Habang nasa puder ako ni T'ya Waheeda ay puro pasakit lamang ang aking na tamo sa arw-araw, walang araw na hindi nila ako sinasaktan ng kanyang kinakasama, ginawa nila akong alipin at hindi pinapakain lalo na't natatalo sila sa pag susugal, hanggang sa isang araw ay may mga taong kinuha na lang ako ng basta-basta, iyon pala ay pinambayad ako sa kanilang utang sa sugal, na padpad ako sa isang Club para mag trabaho at mabayaran ang utang nila sa may-ari nito."
"Labag man sa aking loob ay ginawa ko ang ipinagawa sa akin ng may-ari, mabuti na lang at mababait ang mga nakasama ko, pati narin si Madam Sonia na may-ari nito ay mabait rin, hindi nila ako pinabayaan at hindi rin sila pumayag na maitable ako kanino man O mailabas ng kung sino mang' parokyano nila sa kanilang Bar at tanging pag sasayaw lamang ang aking ginawa doon na halos naka hubad na." pag ko'kwento nio Grezhel habang tumotulo ang mga luha, ang dalawang Madre naman na nakikinig ay napa punas narin ng kani-kanilang luha.
"Nagka roon ako ng pagka kataon na maka takas kanina dahil narinig mkong may paparating na isang Truck na nag so'supply ng mga inumin kaya naka ahanap ako ng pagka kataon, agad akong sumakay at nag tago sa tagong bahagi ng Truck, at ng masiraan ito sa may Palingke ay doon na ako bumaba, lakad lang ako ng lakad kahit walang kasiguradohan kung saan ako dadalhin ng aking mga paa, at laking pasasalamat ko sa Panginoon at nakita ko itong Bahay amponan na ito." mahabang salaysay ni Grezhel.
"Ano ba ang totoo mong pangalan iha?" tanong ni Mother superior.
"Grezhel Scarlet Reigns po." agarang sagot naman ni Grezhel.
" ka ano-ano mo ang may ari ng Reigns Engineering firm msa manila na si Mr. Roman Reigns? isa s'ya sa mga major sponsor nitong Orphanage na ito kasama ang kanyang mga kaibigan." may sa gulat na tanong naman ng superior.
"Nanlaki naman ang mga mata ni Grezhel ng sambitin ng superior ang pangalan ng tito nito, Ti'tito ko po." ani Grezhel na naiiyak na naman, naiiyak s'ya dahil sa tuwa ng sa wakas ay makaka-uwi na s'ya sa kanilang bahay. napa takip pa ito sa mukha habang namalisbis ang mga luha.
"Po'pwede po bang ma'maki so'suyo?" nauutal na tanong naman ni Grezhel.
"Ano iyon Iha? gusto mo bang tawagan natin ang tito mo ng sa gayon ay maka balik kana sa inyo?" wika nito na agad namangikina tango ni Grezhel ng pauli-ulit.
"Segi, bukas na bukas din ay tatawagan natin ang tito mo para ma sundo klana dito. nakaka-awa naman angh sinapit mo sa mga kamay ng t'yahin mo at ng kinakasama nito, mabuti na lang at naka hanap ka ng paraan para maka takas sa Club na iyon, sa murang edad mo ay grabing karanasan na iyon kong totousin, mabuti at matibay ang iyong loob. se3gi at magpa hinga kana muna, samahan mo si Grezhel sister Laiza, doon sa silid na inuukopa ni Marie." wika ng superior.
Agad naman na nagpa alam na lalabas ang dalawa at nag tungo sa silid na sinabi nito, kumatok muna si Sister Laiza bago binuksan ang pinto at nadatnan ng mga ito si Mayora na nag babasa ng Libro.
"Mayora! agaw pansin ni Sister Laiza sa dalagang busy sa pag babasa."
"Yes po sister ganda." sagot nito at tiniklop ang librong binasa at na upo ng ayos.
"Dito muna si Grezhel pansamantala, at kung may extra ka pang damit pwede bang maipahiram mo sa kanya.?" nakiki-usap na tanong ng Madre.
"Oo naman po Sister Ganda." sagot naman agad nito at ngumiti.
"S'ya segi maiwan ko na muna kayo dito. matulog na kayo agad ha! huwag ng mag mesmes pa." anito bago lumabas at isinara ang pinto.
Natawa naman ang dalawang naiwan sa loob ng silid sa huking sinabi ng Madre sa kanila.
"Pala biro din itong si Sister Laiza minsan, sayang ang ganda at nag Madre." ani Mayora at napa iling pa.