Matapos maligo at agad ring pinuntahan ni Roman ang pamangkin na umiiyak, kumatok muna ito sa silid ng pamangkin at hinintay ang pag sagot nito ngunit walang nakuhang sagot kaya binuksan na lang ito ng kusa. Nadatnan ni Roman si Grezhel sa loob ng sariling silid na umiiyak at may hawak na kapirasong papel habang naka upo sa sahig. Umopo na lang muna si Roman sa sofa na nasa silid nito at hinintay itong tumahan, nag dadalawang isip na lapitan ito at nag-iisip ng magandang sasabihin dito, alam n’yang tatanungin s’ya nito ng mga bagay-bagay na nalaman nito ngayun. Hindi nga s’ya nagka mali dahil Makalipas ang ilang minuto ay nag-angat iyi ng tingin sa kanya at titig na titig habang puno ng luha ang mga mata. Ti-Tito, sambit nito sabay pinas ng luha sa mga mata at buong mukha at tumayo sa

