GREZHEL’S POV
" s**t! ang sakit ng sakong ko, nagka paltos pa yata ugh! shh! hindi ko man lang naramdaman kagabi" sayaw pa more grezhelya. kastigo ko sa aking isip at bumangon, agad naman akong nag tungo sa banyo para makapag hilamos at sipilyo narin, habang nag sisipilyo ako ay hindi ko maiwasan na mag-isip kong paano ako makakatakas sa lugar na ito, uu nga't mababait sa akin ang aking mga kasamahan pero hindi ko talaga lubos maisip na dumito ng matagal.
Matapos kong maka pag linis ng katawan ay agad na akong lumabas ng silid namin para maka pag muni-muni at masilayan na rin ng maayos ang naturang Club, hindi ko kasi ito nakita ng lubos nung dumating ako dito dahil gabi naman na di iyon at sa pangalawang araw ko ay nasa silid lang rin aqko at nagpa hinga kaya ngayun ay guisto kong mag libot dito sa loob.
matapos kung mag libot ay bumalik narin ako agad sa aming silid dahil maya-maya lang ay alam kong gigising narin ang Dalawang ate, sakto nga ng sa pag balik ko ay gising na ang dalawa naka upo habang nag hihikab kaya naman ay na tawa ako sa kanilang mga hitsura, para kasing mga batang paslit kapag bagong gising.
"Anong ngini ngiti-ngiti mo d'yan Luzviminda"? naka irap na tanong sakin ni ate Dyonesia habang naka hikab.
"Ano kasi.. ahmn!.. para- para kasi kayong mga batang paslit kapag bagong gising ate". ani ko at nagpa tuloy sa pag hakbang at na upo sa aking kama, ate Melai naman ay naka pikit pa ang mga mata kahit na naka upo na ito sa kanyang higaan at nagkakamot ng ulo may natuyo pang laway sa gilid ng bibig nito dahil sa namumuti ang mga ito ngunit napa bunghalit ako ng tawa ng bigla itong umaching dalahil bigla na lang lumubo ang sipon nito kasabay sa pag aching.
"Bakit ka naman tumawa babygoy?" baliwalang tanong nito sa akin at hinigop pa nito ang sipon pa balik sa ilong nito.
"hindi na ako maka sagot sa tanong nito dahil sa aking pag tawa at ng hindi nga ito naka tiis ay nilapitan ako nito at sinapok sa ulo na pabiro kaya nahinto ako sa aking pag tawa".
"Masanay kana babagoy morning routine ko talaga ito, kaya sanayin mo na ang sariling starting ngayun". anito at nag lakad papasok sa banyo, samantalang si ate Dyonesia ay bumalik sa pagka higa at naghilik na naman. napa iling nba lang ako sa aking nasaksihan ngayung umaga.
kaya naman ay humiga na lang rin ako at hindi ko na rin namalayan na nakatulog narin pala ako at nagising nalang ako sa pag tapik-tapik ni ate Melai sa aking mukha.
"Tara na at mananghalian babaygoy alas Dose y medya na ng tanghali at tayong Tatlo na lang ang hindi pa naka pananghalian". ani ate Dyonesia, kaya naman ay dali-dali akong biumangon at muntik pa akung ma dapa kung hindi agad ako naka hawak sa hamba ng pinto ng banyo, matapos ko ngang maka pag hilamos ay sabay-sabay na kaming lumabas ng aming silid at nag tungo sa kusina para maka kain ng pananghalian.
Habang kumakain kami ay s'ya namang pasok ng isa sa mga bouncer at pina alalahanan sila ate Melai at Dyonesia na ngayung araw darating ang Panel ng Truck na galing Manila na nag sosupply sa kanilang ng mga Beer, kaya naman ay nanlaki ang aking mga mata at naka isip agad ng paraan kaya dali-dalikong inubos ang aking pag kain at nagpa alam na mauuna na sa aming silid para maka pag pahinga saglit bago mag insayo para sa sasayawin ko na naman mamaya.
Agad kong isinara ang pinto at nag hanap ng papel at ballpen na pwede kong masulatan, ayaw ko namang umalis na parang wala kaming pinag samahan ng mga naging ate ko dito sa Club kahit sa ilang araw kung pamamalagi dito, ng makahanap ng Ballpen at papel ay agad kong sinulat ang aking nais na sabihin para sa dalawa kong naging ate at pati narin kat Madam Sonia.
"TO MY DEAREST ATE MELAI&DYONESIA,
PASENSYA NA PO KAYO KUNG PADALOS DALOS AKO SA DESISYON KONG ITO, NAPAKA BAIT N'YO PO SA AKIN, SALAMAT SA PAG ALAGA SA AKIN SA MAIKLING ORAS SORRY PO KONG TATAKAS AKO NG WALA SA ORAS.
HINDI KO LANG ;UBOS MAISIP SA MURA KONG EDAD AY NAG SASAYAW AKO SA CLUB NA ITO. SANA MAPA TAWAD N'YO PO AKO. IPINAPANGAKO KO PO IN THE FUTURE AY BABALIK PO AKO DITO. HINDI PARA MAG TRABAHO O MAG SAYAW MULI AT MAG HUHUBAD SA HARAPAN NG MGA PAROKYANO KUNDI PARA KAMUSTAHIN KAYO AT BISITAHIN. MARAMING SALAMAT SA KABUTIHANG LOOB NA IPINAKITA N'YO SA AKIN.
TO MADAM SONIA, MARAMING SALAMAT PO MADAM SA PAG-UNAWA AT PAG LIGTAS SA AKIN SA KAMAY NI TIYA WAHEEDA, SORRY PO KUNG TATAKAS AKO, UNA SA LAHAT WALA PO AKONG KINALAMAN SA MGA NAGING UTANG NILA SA IYO NG KANYANG KINAKASAMA, SORRY PO MADAM SANA SA SUSUNOD KONG MAG KITA MAN TAYONG MULI AY NAPATAWAD MO NA AKO SA AKING PAG ALIS, ALAM KONG MABIBIGO KO KAYO PERO SANA MAIINTINDIHAN MO AKO. GUSTO KO PA PONG MAG-ARAL MULI AT IPAG PATULOY ANG PINANGAKO KO SA AKING MGA MAGULANG NA NASA KABILANG BUHAY NA.
--GREZHEL--
"Matapos kong mag sulat ay tinupi kuna agad ang papel na aking sinulatan at inilagay ko iyon sa ilalim ng aking unan at nag bihis ng leggings na binili sa akin ni Madam Sonia para may matino akong damit na maisosoot araw-araw, nag soot din ako ng jacket na may hoodie jacket. at bumalik sa kusina para silipin kung ano na ang ginagawa ng mga ate. ngunit ng sa pag balik sa kusina ay wala ng tao doon at naka rinig ako ng ingay sa may likurang bahagi kaya agad akong nag tungo doon.
at doon ko nga nakita ang isang Panel Truck ng mga inumin, naka masid lang ako habang busy ang mga tauhan ng Club sa pag hakopt ng mga case ng mga Beer kasama ang Dalawang ahenti , samantalang si ate Melai ay Dyonesia naman ang nakikipag usap sa Driver at nag lilista ang mga ito sa mga kinuhang mga inumin, ng matapos na ang mga ito sa pag labas ng mga inumin ay agad namang pumasok sa loob ng Clun ang dalawang bouncer at ang dalawang ahenti naman ay sumakay na sa unahan ng Truck habang nasa baba pa ang driver ay hindi pa tapos sa ginagawa dahil nag bibilang pa ang mga ito ng pera na ibinayad ng mga ate,
kaya naman ay dahan-dahan akong lumapit sa bandang likuran at binuksan ito. mabuti na lang at walang padluck kaya agad ko iyong nabuksan at nakapasok sa loob at pomwesto ako sa bandang dulo kahit na madilim at mainit ay tiniis ko para lang maka alis ng Club.
kalaunan ay naramdaman ko na lang na umaandar na ang Truck kaya napa pikit ako ng aking mga mata at bigla na lang tumolo ang ilang butil na luha at nagpa salamat sa panginoon ng tahimik sa aking isipan na sa wakas ay naka takas rin ako sa lugar na hindi ko ginusto at inasahan na matapakan ko sa tanang buhay ko.
ngunit nakaraan ang ilang oras ay bigla itong tumigil kaya naman ay napa tayo agad ako at ilang sandali lang ay agad ring napa balik sa pag upo ng buksan ng isang ahenti ang pinto dahan-dahan naman akong umalis sa aking kina uupoan ng hindi nito sinara ng maayos ang pinto at nag masid muna at narinig ko na nasiraan pala ang Truck, naka rinig naman ako na parang may inaayos sa ibaba nito kaya binuksan ko ng bahagya ang pinto saka bumababa at sinara iyon ng may pag-iingat .
ng ilibot ko ang aking paningin ay nasa may palengki pala kami ng Laguna. kaya naman ay nagpa tuloy lang ako sa pag lalakd kahit na dapit hapon na at malapit na ang gabi ay binaliwala ko ang takot na lumokob sa aking katauhan at nagpa tuloy parin sa pag lalakad at hindi alam kung saang direksyon ako pupunta hanggang sa may nakita akong malaking gate ay nagpa tuloy parin ako sa pag lalakad, at ng nasa tapat na ako ay doon ko napag tanto na isa pala itong bahay ampunan.
nag dadalawang isip pa ako kung kakatok ba ako sa guard house O hindi dahil na rin sa takot O baka walang tao na naka standby doon. Sampong Oras pa akong naka tayo hanggang sa may isang Tricycle na huminto sa tapat ng gate at bumaba ang isang Madre doon na may bitbit na mga plastic.
lumingon pa ito sa akin at ngumiti, kaya kahit nahihiya ay nginitian ko rin ito pabalik at lumapit dito para mag mano.
"ka awaan ka ng Dios anak". anito sa akin, ngunit hindi ko na napigilan pa ang aking mga luha dahil sa galak, kahit na hindi ako sure sa aking naiisip ay nag lakas loob akong maki-usap dito.
"Ma-Mother po-pwede po bang makitulo?" na uutal na pag papa alam ko dito at napa singhot pa ako dahil sa mga luhang tumolo na naman.
"Oo naman welcome ang lahat dito, halika sa loob." pag aaya nito sa akin kaya agad akong napa angat ng ulo dahil sa pag payag nito. walang pag alinlangan na tinulongan ko itong mag buhat sa mga dala nitong mga naka plastic at pumasok na agad kami sa loob.