"Hanggang sa maka-uwi kami ng bahay ay hindi ko parin si Daddy kinaka-usap, mabigat parin ang loob ko para sa kanya sa mga nagawa nya, hinding-hindi ko makakalimutan ang mga nakita ko ng araw na iyon. Dumiretso agad ako sa kwartong ginagamit ko noon, doon ko pinahatid lahat ng mga gamit ko na nadala sa Hospital, napag pasyahan kong dito nalang kami ni Baby mag stay, ayaw kong makatabi si Daddy nandidiri ako sa kanya. "Magpapahinga na po ako, pwede na po kayong lumabas, ani ko sabay higa at tagilid sa kanya. hindi ko na s'ya nilingon pa't nag panggap na akong tulog, pinikit ko agad ang aking mga mata ngunit wala akong narinig ng pag bukas ng pinto. so meaning nandito parin s'ya at alam kong naka tingin ito saakin o hindi naman kaya ay sa anak namin. pero wala akong paki-alam bahala s'ya

