Airiea Point of view
Naghanda naman agad sila pareho at gumawa ang Terros ng rock dahil nga earth 'to ay may kinalaman nga sa lupa mga kapangyarihan nila. Nag bitaw siya ng maraming mga bato at bago ito hinagis papunta sa kaniyang kalaban na agad naman nakagawa ng barrier, at minapulate niya naman ang rock papunta ulit sa naggawa nito ng 'di inaasahan dahil bumalik ang ginawa niya sa kaniya at siya ang nasaktan, napailing siya sa ganti ni Willow, ngumisi pa ito sa kaniya at naglabas siya ng flowers at may halong matutulis at saka ito pinapunta sa gawi ni Terro, ngunit mabilis sa alas kwatro kung kumilos dahil sa naiwasan niya ito, at siya ang gumanti ng bigyan siya ng malakas na Earth quake na pati tuloy kami nadamay mabuti na lang saglit lang 'to, at gumawa pa siya ng rocks at mabilis ito napunta kay Willow na 'di nakaligtas kaya nasaktan. Parehong pagod at nasaktan sila dahil wala nagpapatalo, natapos ang laban na Medyo angat si Willow ng isa. Level 89 Terrro, level 90 Willow.
Natapos na ang lahat kaya alam ko ako na ang sunod kinakabahan man pero at the same time na e-excite sa mga ipapalabas ko dahil weeks ko din ito pinag practice at na control ng maayos sana maging maganda ang kalabasan ng pagod ko para lang dito sa leveling na kailangan.
Mahirap na mapahiya 'no?
"Ok last, Airiea Felys, Fire Ability VS. Zara the Air." Emcee.
Umakyat na din ako na may serious look at ayaw ko ipahalata na kinakabahan ako. Nagkaharap na din kami ni Zara, classmates ko din siya, bigla ako kinabahan sa mangyayari.
Nagsimula na ang laban sa pagitan namin, gumawa siya ng air tornado at mabilis itong pinasugod sa'kin na siyang taranta ko pa kasi mas'yadong mabilis ang mga kilos nito, nag concentrate ako kaya nakagawa ako ng fire barrier kasunod ng fire tornado with blades, yes pinag-isa ko palabasin sila na ikinagulat ng lahat, bakit ano meron? Dahil pareho sila nailabas ay wala siyang kawala kundi masaktan sa ability ko, gumawa pa ko ng fire ball at pinasugod ko sa kaniya kaya nasaktan ulit siya. Hindi pa ko na kontento dahil nagpalabas pa ko ng fire tornado at mabilis niya ito nailagan at nagpalabas siya ng air blade, nasugatan naman ako sa braso ko. Nginisihan niya pa ako inismiran ko lang siya, bago ko icontrol naman ang fire patungo sa kaniya, ngumisi ako sa kaniya at tumalsik siya na nagpa gulat ng lahat sa nagawa ko dahil ang layo ng narating nito. Nagulat ako kasi nag teleport siya patungo sa harapan ko at binigyan ako ng air punch, kaya ako ang tumalsik.
's**t!' Bulong ko sa sakit ng suntok niya gamit ang air.
Ng makatayo ako ay mabilis kung ginawa ang fire ball at blades kaya patas na kami na. Natapos ang labanan na mas angat ako. Natuwa ako sa kinalabasan ng resulta. Dahil naging level 95 ako at siya level 90.
Natapos ang leveling namin dahil mga pagod na kami ay wala ng klase mabilis ako nag teleport sa dorm ko ng walang nakakakita sa'kin na ginawa ko 'yon baka bigla may magtanong kung bakit kaya ko din ang teleport.
After two weeks
Sa nagdaang linggo ay marami na nangyari simula ng makapasok ako sa white academy at ng maipakita ko ang kapangyarihan ko sa lahat, kung gaano ko naipakita ng kabilis ang aking lakas at malaman ang aking leveling.
Maraming nagbago tulad ng nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan, at ang iba ay mga epal minsan sa buhay ko, ayaw ko silang pansinin sa maliit na bagay mahilig lang sila gumawa ng issue ng sila din naman ang nasisira sa pinaggagawa nila.
Mas lalo ko din nakilala ang malalakas na students dito na sila, Pyrrhus at ang iba pa nitong mga kaibigan. Kahit si Fiamma ay kilala ko siya Medyo mainitin ang ulo niya at ang yabang porkit siya ang pinakamalakas ay feeling reyna sa academy na 'to.
Naging close ko naman si Misty, ang may water elements at minsan ay nagpapakitang gilas ito maganda ang kaniyang elements, may mga time na may tricks din siya sa elements of water nito. Naglalabas na din siya ng iba't-ibang uri ng water, tulad na lang ng water dragon na p'wede din pala 'yon kasi ngayon lang ako nakakita ng gano'n uri sa elements niya. Mas naging close kaming dalawa, at may mga fairy din pala siya ang cute nga eh kapag nagsasama ang fairy ko at ng kaniya ay ang cute nila tignan at panoorin dahil sa kulit nilang apat, akala ko din ang akin lang may dalawang fairy ayon ay gano'n din sa iba.
"Bukas ulit, salamat sa time ah?!"
"Nako ikaw pa, sige pasok na tayo sa mga dorm natin ng makapag pahinga na tayo. Bukas practice ulit tayo. Good night"
Pumasok na ko sa k'warto ko at iniwaksiko ang aking dalir para isardo ang pinto at pumasok na aking bed room, nakita ko mga fairy ko na naglalaro sa kanilang mumunting bahay na gawa din nila sa pamamagitan ng kanilang mga magical.
Humiga ako at nagpadala sa antok dahil sa pagod na nangyari buong araw na 'to.
---------
Nagising ako dahil sa may biglang may sumabog sa loob ng academia mabilis sa alas kwatro ang aking pag teleport kung sa'n ba 'to nanggaling? At nagulat ako sa laki ng impact ng pagsabok nito sa kabilang building. Lahat ng students ay nagsilabasan gano'n din ang mga professor namin pati na din ang head mg school na 'to.
Kulay itim ang usok na halatang galing sa mga kalaban na tinatawag na dark magic, ito ang may kakayahan manupulahin ka upang makuha lang ang gusto nila.
Kaya ano ang pakay ng mga sorcerrer sa academy na 'to? Kasi lahat sila mga naka hood na kulay itim mga mata lang nila ang nakikita at para silang vampire sa pula ng kanilang mga mata, mabilis ito kung kumilos at ang alam ko dito ay mahirap mamatay ang mga tulad nila dahil galing na sila sa kamatayan.