Airiea Point of view
Training
Simula kanina ayaw ako tigilan ng mga classmates ko sa nangyari kagabi at ayaw ko sila sagutin bahala sila mag isip ng kung ano-ano.
Andito kami ngayon sa hidden room kung asan p'wede mag labas ng kapangyarihan para ma control mo 'to.
Nag suggest naman si Pyrrhus na kami naman daw mag laban nagtaka man ako ay tinanggap ko ang alok niya na kami ang mag partner sa training na 'to.
Nagsimula naman agad kami sa pag atake ng kapangyarihan na inilalabas niya, samantala ako ay fire ball at fire tornado lang nilalabas ko. Simple attack lang ginagawa namin pero dahil ramdam ko na gusto niya ako galitin para mailabas ko pa ang gusto niya makita. Pero bigo siya hanggang sa matapos ang laban namin dalawa pareho kaming pagod kaya napaupo ako sa tabi ni Misty na ngiting-ngiti na akala mo naman kinikilig.
"Bagay kayo." Bulong nito bigla sa'kin na nagtayuhan pa balahibo ko sa sinabi niya at sinamaan ko na lang siya ng tingin.
"Look, kanina pa masama ang tingin sa'yo ni Fiamma. Akala mo naman may naagaw na candy haha!" Biglang bulomg ulit nito.
Nagtaka ako sa sinabi niya si Fiamma masama ang tingin Kanino? Sa'kin? Bakit ano nagawa ko?
Pasimpleng tingin naman ginawa ko kung sa'n naka upo sila kasama ang ibang mas malalakas na students dito. At nagtaka ako sa nakikita ko kasi nagsasabi ng totoo si Misty na masama ang tingin sa'kin ni Fiamma?
Pumikit ako at nag concentrate sa gusto ko din malaman ang laman ng isip niya kaya gusto ko marinig ang laman ng utak niya.
'Tsk, bida-bida para mapansin ng lahat. The heck kibago-bago pero kung umasta akala mo napakagaling na. Let see kung sa'n ang galing mo?'
Laman ng isip niya.
Do'n ko iminulat ang mga mata matapos ko mabasa ang nasa isip niya. Nagulat pa ko kasi halatang may galit ito.
Pero ayaw ko siyang pansinin para lang sa may galit o inggit man siya kasi wala akong plano at sayangin ang oras ko sa walang k'wentang katulad ng galit sa puso niya. Kailangan ko maipakita sa sarili ko din na kaya ko ma control ang iba ko pang elements na 'di ko pa kaya maipalabas, yes sobra hirap kapag gan'to na parang naibigay ata lahat ni bathala ang bagay na sobra pa sa inaasahan mo. Pero pasalamat pa din ako sa mayro'n ako ng gan'to dahil naipagtatanggol ko na ang sarili ko sa mga taong, halang ang mga bituka lalo na nung nasa mortal world pa ko at lagi bully ako ng mga tao do'n na 'di ko alam bakit gano'n na lamang ang galit nila sa isang tulad ko?
Simula na 'yon 'di ko inaasahan na napalabas ko ang isa sa elements ko na 'di ko alam pa tawag no'n, at do'n nagsimula ang pagkamunhi nila sa'kin ultimo mga kaibigan ko, ay natakot at lumayo na sa'kin kasi iniisip nila ako ay halimaw o ano man tawag sa mundo ng mga tao. Maraming nanlait sa'kin nung panahon na 'yon at grabe ang pagkamunhi nila na ultimo pati si Lola nadadamay kaya bago ako pumasok sa mundong nababagay sa isang tulad ko ay gano'n din ang Lola ko lumipat siya sa malayong bayan, at tahimik na lugar na pagkakaalam ko ay nasa kabilang bundok lang dahil tahimik at payapa ang lugar na 'yon at panatag na ako sa lagay ni Lola na wala na mang aapi sa kaniya kahit sinoman. Basta malayo na siya sa mga mapang-api na mga normal na tao.
"Hoy! kanina ka pa tulala. Tara na tapos na ang training," biglang pukaw sakin ng kaibigan ko na si Misty na ikinagulat ko pa.
"Tapos na?" Gulat ko pa tanong sa kaniya.
Natawa naman ito sa inasta ko at napapailing pa.
"Yes anteh, ikaw na lang kaya hinihintay ko na matapos diyan sa lalim ng iniisip mo kaso ang tagal mo, haha kaya mas ok na gisingin na kita sa realidad haha!" Pang-aasar pa nito sa'kin.
Pumunta kami sa library dahil Tapos na din naman ang klase namin ay magbabasa muna ako ng may kinalaman pa sa mga elements or ano ba mayro'n sa bawat mundo ng mga elemento kung sa'n ba nanggaling.
Library
Hinanap ko ang libro na may taglay na kakaiba na talaga gusto ko malaman sa 'di kalayuan ay may kakaibang liwanang ito na kulay gold at nilapitan ko agad 'to, at kinuha ang makapal na libro.
"Oh nakahanap ka na ba ng babasahin mo?" Misty na nakaupo na pala at naghihintay may libro na din siya.
"Ah, oo ito oh?" Sabay pakita ko sa kaniya at nagtagka pa sa Hawak ko.
"Ano 'yan? Meron pala niyan dito?"
"Bakit 'di mo pa 'to nabasa? So ako palang pala una makakabasa nito. And look ang ganda at kakaiba kasi siya kumpara sa mga libro na katabi nito." Sabi ko.
Nakita ko pa ang mukha niya talaga takang-taka siguro 'di pa niya talaga nabasa kaya ganiyan mukha niya.
"Magbasa na tayo." Wika ko pa at binuklat ang aklat at tahimik na nagbasa.
"The long lost prinscess?" Biglang bigkas ko na ikinaangat bigla ni Misty at napatingin sa'kin.
"Ah, oo meron 'yan. Marami k'wento diyan. About sa nawawalang princess ng academia ng white magic, until now pinapaniwalaan ng karamihan 'yan na kahit impossible wala naman talaga. Ultimo mga mas nakakaangat sa magical na'to ay naniniwala buhay pa siya." Biglang k'wento nito.
"So... You mean may long lost princess ang white academy? Eh so may pinaka makapangyarihan pa pala bukod sa'tin?!" Pagtatanong ko pa.
"Yup, ang mga hari't reyna ng white magic minsan lang sila bumisita dito dahil until now naniniwala sila babalik ang anak nila. Ang unicahija nila."
"Akala ko walang gano'n. Pero asan ang mga hari't reyna?"
"Sa mga kingdom nila. May fire kingdom, at sila Pyrrhus ang naninirahan do'n, Water Kingdom sila Willow ito, Air Kingdom naman sila Aero, at ang mga Taga earth kingdom na sila earthnia naman mga Taga do'n at isa sila mga anak ng mga hari't reyna ng bawat kingdom, na tinutukoy ko. Pero ito ang mas namumuno sa five elements sa bawat kingdom, ang hari't reyna ng mga Tinatawag naming the King and Queen of white Magical, kaya nabuo din ang white academy upang masanay ang mga bagong henersyon pagdating ng tamang panahon." K'wento nito. "Or The powerful kingdom!" Dugtong pa nito.
Kaya pala by elements ay may mga hari't reyna din pala ang mga 'to, pero may mas makapangyarihan o sinasabi mas siya ang pinakamataas sa lahat ng ibang hari't reyna sa bawat kingdom.
Pero sino ang mga ito? Kailan ko kaya sila makikita?
"Ikaw siguro sa Air Kingdom ka pero bakit nakakalabas ka ng elements ng fire elements? Kaano-ano mo ang sila Pyrrhus? Kung ang ang elements mo ay Air at Fire? Pinagsama din name mo sa Fire at Air kaya naging Aireia Felys ang cool. Pero kagabi ano 'yon bakit may Electricity elements na lumabas kasabay ng apoy mo?" Hindi ko na alam alin ang isasagot ko lalo na ang nakita niya kagabi dahil saksi din ito sa nangyari.
"Tara na Kain na tayo, alam ko gutom ka na din." Pag iiba ko napakamot na lamang ito at tumayo binalik namin ang aklat at lumabas.
Alam ko nagtataka na siya kung bakit may gano'n ako elements at ayaw ko umamin kung ano ba talaga kahit ako ay gusto ko muna alamin kung sino ba talaga ako at sa'n nanggaling ang kapangyarihan na 'to? Gusto ko ako muna ang makasaksi sa totoong ako? Para alam ko na din ang isasagot sa kanila pagdating ng panahon.
--------------
A/n: Sana nagustuhan niyo ang bawat chapter ng akong Fantasy story kung sa'n makikilala ang bawat character.
alam ko naman ang tagal ko walang updated. Mayroon din ito sa w*****d ko at ni revised ko ulit ito keysa dito na hindi masyado details. hihi sana magustuhan niyo ang aking SHORT STORY!