"Hindi, anak, Menandro ka at bago ka pa mag-isip nang kung ano sa Nanay mo, itutuloy namin ang kuwento." "Maliban sa maganda si Ana, napakabait, maalaga at pasensiyosa niya. Inalagaan niyang mabuti ang Mama at minahal siya nang Mama na parang tunay na anak." Tito continues. "Binata kami noon at halos ka-edad lang namin si Ana, di nagtagal nahulog din ang loob namin sa kaniya." "Nahulog ang loob?" Meg frowns. "Alam mo yun. Na-inlove baga, anak." Jo explains. "Pero bilin ng Mama na bawal namin siyang ligawan kaya nakuntento na lang kami sa pa-crush crush sa tabi at pakikipagkaibigan." "So you were all secretly inlove with her?" Meg asks. They nod in response. "Naging maayos ang lahat, sa loob ng tatlong taon, napagamot si Nanay, nakapagtapos ako at naging guro, si Ana naman nasa huling

