Naramdaman ni Irene kung gaano kalungkot ang mag-isa sa malaking bahay. May katulong nga pero 'di naman niya ito mga kinakausap. Nagkukulong lang siya sa loob ng kaniyang kuwarto. Hanggang sa tawagan niya ang kaibigan. At sabihin dito ang biglang pagbabago ni Mike. "Baka nga may nagawa ka or nasabi na hindi niya nagustuhan? Tanungin mo kaya siya bestie kung bakit bigla siyang nagbago," wika ng kaibigan kong si Danica. "Wala akong natatandaan na nasabing masama sa kaniya or nagawa. Tinanong ko na siya pero ayaw niyang sabihin," umiiyak na ako habang nagkukuwento. "Bes naman, huwag ka nang umiyak. Wala pa naman ako diyan. Subukan mo pa rin na kausapin siya. Asawa ka niya kaya karapatan mong malamam kung bakit nagkakaganiyan siya sa'yo. Huwag ka ng umiyak, 'di bagay sa'yo, sige ka papangi

