Episode 3 (Irene POV)

1081 Words
Nagmumuni-muni ako, nang bigla na lang sumulpot ang makulit at madaldal kong kaibigan. "Hoy! Friend. Balita ko, magbabakasyon daw dito ang anak ng may-ari nitong hotel," kinikilig na wika ng aking kaibigan na si Danica. Isa ito sa mapag-kakatiwalaan kong kaibigan, kahit na medyo may kalandian at kadaldalan kapag may nakikitang mga guwapo. Nasa hotel sila ngayon kung saan sila ay nagtatrabaho bilang isang receptionist. Isa sa pinakamayaman ang nagmamay-ari nitong hotel na napasukan nila. Bumuntong hininga muna ako bago ko nagawang sagutin ang makulit kong kaibigan. Hindi ko rin naiwasang umikot ang mga mata ko sa ikinikilos na naman nito. "Ano naman kung magbabakasyon? Bakit parang mahihimatay ka na d'yan kung umasta?" pasuplada kong sagot dito. Pansin ko ang biglaan nitong panghahaba ng nguso. Ngunit kaagad din nagbago ang awra nito. Napalitan na naman ng kabaliwan. "Haist! Hindi mo ba alam na napaka guwapo niya. Nakita ko na siya minsan sa magazine. Ang tangkad, ang guwapo-guwapo, may mapupulang labi, killer smile at nakakalaglag panty kung makatingin," tili pang wika nito. Hindi pa nakuntento at tumalon-talon pa na parang tanga. "Aray! Masakit 'yon ha!" wika pa nito. Nakasimangot na ang ale. Bigla ko kasi itong binatukan. "Ang over acting mo naman kasi. Lahat naman sa'yo guwapo. At wala naman akong pakialam no!" wika ko kay Danica. Umirap pa ako rito para ipaalam na wala akong kainti-interes sa pinagsasabi nito. "Haist. Baka kapag nakita mo siya, kainin mo 'yang sinabi mo," wika nito sabay walk out. Iiling-iling na lamang ako. Habang pinagmamasdan itong palayo sa akin. Hindi naman niya ako masisisi, alam niya naman kung bakit ako nagkakaganito sa mga lalaki. "Kahit kailan hindi na ako magpapaluko," galit na wika ko sa sarili. Nakagat ko pa ang ibabang labi dahil sa pinipigilang emosyon. Matagal na rin naman ang mga nangyari, ngunit hindi ko pa rin maiwasang masaktan paminsan-minsan. Hanggang sa magising na lang ako, isang umaga na ganito na ang trato ko sa lahat ng lalaki. Mainit ang ulo ko sa kanila. At nawalan na rin ng kati-katiwala. Okay lang sanang masaktan eh. Huwag lang sanang gawing tanga. At iyon ang pinakamasakit para sa kaniya. Ang magmukhang tanga ng ilang taon. Masyadong nagtiwala. Masakit pero kailangang tanggapin. Pabalibag na binagsak ni Mike ang dala niyang maleta pagkarating niya sa hotel sa boracay. Nakaramdam siyang pagod kung kaya 'di niya namalayang nakatulog na pala siya. Hanggang sa magising siya sa tunog ng kaniyang cellphone na nagpairita sa kaniya. "Hello, who's this?" Inis na tanong ni Mike dahil naistorbo nito ang pagtulog niya. Alas-6pm pa lang ng hapon ng mga oras na 'yon. "At ngayon hindi mo na ako nakikilala!" pagalit na wika ng kaniyang daddy sa kabilang linya. Bigla naman siyang napa-upo galing sa pagkakahiga. Gusto niya pang batukan ang sarili dahil hindi niya man lang muna tiningnan kung sino ang caller. "Sorry dad. Hindi ko kasi tiningnan 'yong phone bago ko sagutin," wika ko habang hinihilot ang sintido. Bigla yatang sumakit ang ulo ko pagkarinig sa boses ng daddy ko. Hindi ko napigilang mapabuga ng marahas dahil sa stress na namumuo na naman sa aking sarili. "Nasa boracay ka pala ngayon, 'di ka man lang nagpaalam sa amin ng mommy mo? Ano? Wala ka na bang balak iharap ang mapapangasawa mo?" sunod-sunod nitong tanong sa akin. "Isang buwan lang ang ibinigay ko sa'yo son, hindi ako nagbibiro," pagpatuloy pa nito. Mukha talagang napakaseryoso nito. "I know dad. Nandito kasi iyong babae na ipapakilala ko sainyo." Sa sobrang inis ni Mike, iyon ang lumabas sa bibig niya. Kahit na wala naman talaga. Damn! "Iyon naman pala eh. Sana sinabi mo kaagad. Pinapainit mo pa ang ulo ko," wika nito. Rinig niya pa ang pagbuntong hininga nito sa kabilang linya. "Oh, sige na. Balik ka kaagad ng makilala na namin 'yang mapapangasawa mo," pagpatuloy pa nito na hindi naitago ang sigla sa boses nito. "Yes dad, kailangan ko lang siyang kausapin about this marriage," pagsisinungaling ko pa. "Okay, good. Enjoy then, at nandiyan ka na rin lang naman, tingnan mo na rin ang ilang business natin diyan," wika nito. "Okay dad. I will do that." Napabuntong-hininga na lamang si Mike habang nakapikit ng mariin sabay pabagsak na inihiga ulit ang katawan. Saan ko ba hahanapin ang babaeng ihaharap ko kila mom at dad? Himutok ko sa sarili. Naisipan niyang bumaba para kumain. Hindi na siya nagpahatid pa ng pagkain sa hotel room at gusto niya ring makita ang restaurant ng hotel nila. Pagkalabas niya sa elevator, hindi nakaligtas sa paningin niya ang isang babaeng simple lang ang ayos, pero may angking kagandahan. Nakatulala ito sa isang tabi at parang ang lalim ng iniisip. Pansin niya ring tauhan dito sa hotel base sa suot nito. "Friend! Tulala ka na naman," wika ni Danica. Ang kaibigan ko na namang makulit. Kasalukuyan ko siyang hinihintay dahil out na namin sa trabaho. "May iniisip lang ako," seryosong sagot ko. "Don't tell me na hindi ka pa rin nakaka-move sa gag* mong ex boyfriend ha," nandidilat na wika nito sa 'kin. "Tsk, shut up, Danica. Ayokong pinag-uusapan pa 'yan," inis kong sagot. Hindi lingid sa kaibigan kong ito ang past relationships ko. "Ayaw, pero nakatulala," bubulong-bulong pa na wika nito. "Nagagalit kasi ako sa t'wing naiisip ko ang ginawa niya sa 'kin," galit kong wika rito. "Kalimutan mo na 'yon. Move on Bes! Hindi mo kailangang maging masungit dahil lang sa gag* mong ex! Dami-dami diyang iba eh.Hindi naman lahat pare-pareho," mahabang lintaya nito. "Lahat sila pare-pareho!" galit na wika ko. Umikot naman ang mga mata ni Danica, kasabay ng pagsunod sa aking paglalakad. Naiintindihan naman niya ito. Sino ba naman kasi matutuwa kung lulukuhin ka lang. Wika naman ni Danica sa sarili. Nakaramdam tuloy siya ng awa sa kaniyang kaibigan na hanggang ngayon hindi pa rin makalimot sa ginawa ng walang kwentang ex boyfriend nito. Hindi pa rin mawaglit sa isip ni Mike ang babaeng nakita niya kanina. Nagtataka lang siya kung bakit parang malungkot ito at nakatulala. Hindi kaya, hindi maganda ang patakbo ng manager nila rito? Bigla niyang naisip ang mga bagay na 'yon. Malaman nga bukas. Curios siya sa babaeng nakita niya. Kaya naisipan niyang pumunta ulit ng mas maaga para makita niya ang babae. Maganda pa naman. So, ano kung maganda? Don't tell me, pati ba naman dito, hindi mo papalagpasin ang pagiging babaero mo? Sikmat ng baliw kong isipan. Well, kung siya ang lalapit eh," wika naman ng kabilang isipan ko. Hindi ko tuloy naiwasang mapangiti sa mga kalukuhan ko na namang naiisip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD