Nakasuot ako ng off shoulder, red dress na hapit sa katawan ko hanggang taas ng tuhod ko ang haba lang nito. Sabi kasi ng asawa kong si Mike, may pupuntahan daw silang party kaya nagsuot ako ng simple but class dress. "Are you ready?" masuyong tanong ng asawa ko. Kahit ito naka formal attire. Nakapaka guwapo ng dating. Matikas, matangkad, napakaguwapo, sinamahan pa ng abs nito. "Love, tumutulo iyong laway mo," saway nito habang tumatawa. Namula naman ang pisngi ko at 'agad pinunas ang bibig, ngunit wala namang laway na tumutulo. Lalo tuloy akong pinagtawanan nito, sinamaan ko ito ng tingin, dahilan para lapitan ako at yakapin ng mahigpit at halikan sa mga labi. "I'm just kidding, alam ko namang patay na patay ka sa asawa mo," pilyong wika nito sa akin. Nagnining-ning pa ang mga mata

