"So, kaya mo ito ginagawa para makuha mo ang pagiging CEO?" tanong ko sa aking boss. "Exactly," sagot nito. "At paano kung ayaw ko?" Nakataas ang noo ko habang sinasabi ito. "Well, madali lang akong kausap, mawawalan kayo ng tirahan, mawawalan ka ng trabaho, at kahit saan ka pa maghanap ng trabaho, walang tatanggap sa'yo. You don't know how we rich Ms. Claveria. Kaya kong gawin ang lahat. At siguro naman hindi mo hahayaang matulog sa kalsada ang parent's mo at nagmamalimos right?" wika nito sa akin. "How dare you, para idamay ang parent's ko rito?!" Galit na napabuhat ako sa aking upuan. "Alam ko kung gaano ka kagalit sa mundo, kaya iyon lang ang naisip kong paraan, para mapapayag ka. Isipin mong mabuti, lahat makukuha mo rin kapag nagpakasal ka sa akin. Malinaw naman ang mga kondisy

