Chapter 2

1043 Words
Chapter 2 Aerika's Point of View Bumaba ako ng kwarto ko para sana sabihin kila mama ang tungkol sa sobre. Paano kung magalit sila? At tiyaka, anong sasabihin ko? Paano ko sasabihin na dala lamang ito ng isang paru-paru na hindi ko wari kung paano nabitbit at nadala 'yung sobre gayong napakaliit nito. At ang nakasulat dito. To enhance my abilities? What the hell? Ano 'yun? Para mas gumaling ako sa paglalaro ng chinese garter? Nakakailang hakbang pa lamang ako ay napahinto na ako dahil may napansin akong dalawang nag-uusap. Si mama at si...auntie? Anong ginagawa ni auntie rito? Akala ko ba nasa ibang bansa si auntie? "Ashley, hinahanap na sya ng mga itim na masasamang kalaban at nagsisimula nang manganib ang buhay nya, siguro dapat sabihin na natin ang lahat sa kanya." Seryosong sabi ni auntie kay mama. Sino kaya 'yung dapat nilang pagsabihan ng totoo? At ano daw? Itim na masasama? "Siguro nga Louisa, ito na ang oras para malaman nya ang totoo, ipasok mo na sya sa Wellsfar Academy." Did I heard it right? Sino yung ipapasok nila sa Wellsfar Academy at.....bakit di nagalit si mama sa sinabi ni auntie? Diba galit si mama sa school na yun? "Matagal na nga akong kinukulit ni Aerika tungkol sa Wellsfar Academy na 'yan pero ayoko pa syang mawala sa amin kaya ngayon ay sasabihin ko na sa kanya kung ano ang totoo." Si mama. Mawala sa amin? Eh bat naman ako mawawala sa kanila pag napasok ako sa school na yun? At ano 'yung totoo? Hindi ko na napigilang hindi makisali sa usapan nila. "Ma! Auntie!Ano yung pinaguusapan nyo? Tyaka akala ko nasa ibang bansa kayo auntie?" Painosente kong tanong sa kanila. Nagulat naman silang dalawa sakin at parang hindi maipinta ang kanilang mga mukha. "Anak! Kanina k-ka pa ba dyan? Narinig mo ba ang usapan namin ng T-tita mo?" Halatang kinakabahan ni mama. Bakit? Ako ba talaga yung sasabihan nila ng totoo? Bakit parang kinakabahan ako? "Ammm opo ma, sorry po" Sabi ko at tiyaka yumuko. Nakita ko namang nagkatinginan sila ni Tita at bumuntong hininga si mama. "Anak may kailangan kang malaman." Mahinahong sabi ni mama na halatang kinakabahan. Eto na ba yun? Sabi na nga ba eh ako yung sasabihan nila ng totoo pero ano yung sinasabi nila na......itim na masasama? At ano 'yung tungkol doon sa Wellsfar Academy? "Ma ano po ba 'yun? Kina-akabahan na ko a-ahh." Para kasing may mali sa sasabihin nila. Bihira maging ganito ang itsura ni mama kapag nag-uusap usap kami. "Ana-ak patawarin mo kami kung naglihim kami sayo na ang alam mo ay tunay na anak ka namin ng papa Leo mo. Nakuha kalang namin sa tapat ng pinto ng bahay natin at hindi ko alam kung sino ang nagbigay sayo dito pero may isa kang palatandaan para malaman mo kung sino ka talaga at kung saan ka nagmula at kung saan ka talaga dapat. Anak patawadin mo ako kung ngayon ko lang nasabi sayo ang totoo, ayoko lang na mawala ka sa akin kahit alam kong dadarating ang oras na kailangan mo ng mag aral sa Wellsfar Academy at dun na titira! Patawarin mo ako anak...." Tuloy tuloy na sabi ni mama habang umiiyak. Maski si auntie ay umiiyak na din. Hawak hawak niya sa balikat si mama. Para naman akong nabingi sa mga narinig ko. Ako? Hindi..totoong anak? Nakuha lang nila ako? At doon na ako titira sa Wellsfar Academy? Ano..at bakit? "Ma!? Totoo ba lahat ng t-to?? Ma! Sabihin nyo po na hindi niyo ako nakita sa pinto! Ma ayoko kayong iwan! Please po ma, huwag po kayong mabiro ng ganyan. Umiiyak narin ako. Kung totoo man ang lahat ng ito...hindi ko kaya. "Totoo lahat ng sinabi ko anak and sorry kung hindi ko nasabi kaagad at diba gusto mong pumasok sa Wellsfar Academy? Pagbibigyan kita anak, dun na kita papapasukin at hanapin mo ang tunay na ikaw dun anak, hindi ako sure kung sino ka ba talaga pero alam kong may kinalaman dito ang Wellsfar Academy! Kaya pumunta ka na dun!" Umiiyak pading sabi ni mama....No! Kahit gustong gusto ko nang pumasok sa Wellsfar Academy ayoko parin kung iiwan ko lang sila mama. Malalaman ko ang tunay na ako sa Academy na 'yun? Ang tunay na pagkatao ko? "Ma! Hindi! Hindi ako papasok sa school na 'yun! Kahit na may sobre na akong nakita kanina na may kinalaman sa school na 'yun, ayoko ma. Hindi ko kayo kayang iwanan." Lumapit na ako kay mama para yakapin siya. Tuloy tuloy lamang ako sa pag-iyak. Bakit kasi...kailangan ko pang maging ampon? At bakit kailangan ko pa ding mawala sa piling nila? Bakit kailangan ko pang umalis? Dahil kailangan mong hanapin ang tunay na ikaw. Isang bulong na narinig ko sa aking isip. "Anak! Para ito sa ikabubuti mo, makinig ka s-samin ng tita mo! Sasamahan ka n-nya na papunta sa A-academy at diba, may sobra ng dumating sa'yo? Ibig sabihin lang noon, kailangan ka na sa Wellsfar Academy. Kailangan mo ng harapin ang katotohanan anak." Ikakabuti ko? Ikakabuti ko ba ang paglayo ko sa kanila? Wala akong pakealam kung kailangan na ako sa Wellsfar Academy. Pero ano ang koneksyon ng mga totoo kong magulang doon sa Wellsfar Academy? Paano ko malalaman ang lahat ng tungkol sa pagkatao ko gayong papasok lang nmaan ako sa Wellsfar Academy? "Tama ang iyong ina Aerika at wag kang matakot dahil tutulongan kitang makapunta roon. Tutulongan kitang malaman mo ang iyong sarili."Tugon naman ni Tita. "Malayo po ba 'yung Academy na 'yun? Maaari pa po ba akong makabalik dito at makasama sila mama?" Nagkatinginan ulit sila mama at tita. "Sobrang layo Aerika at maaaring hindi ka na makabalik pa dito lalo na't kapag nalaman mo na ang iyong tunay na pagkatao." Tunay na pagkatao? Ano bang meron sa pagkatao ko? "Sige po, kung 'yan ang gusto niyo. Papayag na ako. Ibibigay ko po sa inyo 'yung sobre at mag-aayos na ako ng mga gamit ko para makaalis na at makapunta sa Academy na 'yun." Ani ko na lamang at mararamdaman mo doon ang sakit at lungkot kasabay ng mas lalong paglakas ng pag-iyak ko. Bakit? Bakit parang ang bilis lang nila akong ipagtabuyan? At ano ang meron sa aking pagkatao at sa Wellsfar Academy na 'yun?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD