Xiara's POV "KUYAAAAAA!" nakangiti akong tumakbo palapit rito at hindi ko mapigilang akapin ito ng mahigpit. "Grabeng tuwa naman iyan, Ella. Kung makasigaw at makaakap ka eh akala mo katapusan na ng mundo." natatawang wika nito at ginulo ang buhok ko. Binelatan ko lamang ito at parehas kaming umupo sa sofa. "Namiss lang naman kita eh. Atsaka, sa iyo ba iyong Montero sa labas?" tanong ko rito. Pinisil naman nito ang ilong ko at tumango. "Bigay nila Mommy at Daddy. Wala naman akong magawa kaya tinanggap ko na lang." kibit balikat pa nito at biglang sumeryoso ang mukha. "Bakit? Hindi ka ba masaya?" nag-aalalang tanong ko atsaka humalukipkip. "Masaya. Kaso hindi ko maiwasang mamiss sila Inang at Itang. Nag-aalala din kasi ako dahil mag isa lang si Inang na nagbabantay sa ospital. Wala pa

