Epilogue: Responsibility to Oath "Calix..." Nakagat ko ang ibabang labi bago tuluyang abutan si Creed ng panibagong inumin. Pangatlong baso na niya iyon. Paano ba naman kasi, ayaw tumigil sa pagiyak at paginom, akala niya naman ay kapag ipinagpatuloy niya 'to ay babalik si Ella sa kanya. "Ang sakit sakit na," dagdag niya. Gusto kong kwestyunin ang kaibigan ko kung bakit bigla siyang naging ganito nang dahil sa isang babae. 'Cause knowing Creed? Kahit nasasaktan 'yan ay hindi niya hahayaang makita siya ng iba o miski ng malalapit na tao sa kanya na umiiyak. Oo alam kong minsan na rin niyang minahal si Lauri pero mukhang iba yata 'tong ngayon. Mas malala ito kumpara sa mga sakit na naramdaman niya dati. He looks miserable. Gusto ko siyang tanungin at pagsabihan pero wala naman akong

