Chapter 1
Nang makalabas ako ng building na 'yon ay agad akong pumara ng taxi pauwi. Ilang minuto lang na byahe ay nakarating na ako sa aming bahay. Pagpasok ko, wala akong naabutan na tao sa living room kaya sinamantala ko na, dumiretso na ako sa kusina.
Woohhh gutom na gutom ako!
"Ma'am Keshia nandito na po pala kayo," anang maid naming si ate Luisa.
Natigilan ako sa pagkain, dahan-dahan ko siyang nilingon at alanganing nginitian."Ah hehe oo nga pero shhh ka lang okay?" tapos sinensyasan ko siyang 'wag mag-ingay.
Tumango siya at ngumiti. "Opo ma'am."
"Good, salamat, teka nandyan pa ba sina Mommy?" tanong ko nang maalala ang mga ito.
Umiling siya. "Alam ko po'y umalis na sila kanina pa."
Hmm mabuti naman kung ganoon, hindi ako macocorner!
Ngumiwi ako. "Hindi ba nila ako hinanap? Si Daddy ba hindi nagtaka kung bakit hindi ako umuwi kagabi?"
Napabuntong-hininga ako sa kung saan nang dahil sa sarili kong tanong, hindi naman yata ako hahanapin ni Daddy, 'di naman ata niya napapansin na wala ako eh.
"Hindi eh." Napakamot pa si ate Luisa sa kanyang ulo pagkatapos 'yong sabihin.
I knew it, hindi na dapat ako umasa.
"Buti nalang," sagot ko, tumango-tango habang panay pa rin ang kain, kasi knowing Mommy? Tatalakan ako ng tatalakan no'n, masyado siyang protective sa akin.
"Pero ma'am Keshia saan po ba talaga kayo galing?" pang-uusisa niya.
Sasabihin ko ba? hmmm sige na nga!
"Nagovernight lang ako kina Krizzy," kaswal kong sagot.
Tumango-tango pa ito. Ay nako sana maniwala talaga!
"Sabagay palagi naman kayong magkasama, pero bakit inumaga ka yata?" tanong na naman niya.
Pakiramdam ko ay nag-init ang mukha ko sa tanong niyang 'yon, inumaga! Naalala ko na naman tuloy ang nangyari.
"Overnight nga Ate Luisa, 'wag ng maraming tanong," iritado ko pang sambit, daig pa kasi media kung magtanong jusko naman, ayaw ata akong patapusin kumain.
"Sige na nga po Ma'am maiwan na kita riyan," aniya at umalis na, nako talaga si ate Luisa, minsan may pagkachismosa!
Ilang minuto pa ang nagdaan ay natapos din ako sa aking kinakain. Nakadalawang ulit ako ng kanin! Gano'n ako kagutom! Nakakaloka! Buti nalang at may pagkain paguwi ko.
Nang makaalis sa kusina ay nagtungo na ako sa may hagdanan. Paakyat na sana ako nang biglang may nagsalita sa likuran ko.
"KESHIA SAMANTHA LOPEZ!" Sigaw ni Mommy.
Napapikit ako ng mariin bago tuluyang harapin ang aking ina. Paglingon ko ay naroon siya sa likuran ko. Magkakrus ang parehong braso at nakataas ang isang kilay. Yup, that's her usual self. Kinda mean and intimidating. Pero nasanay na rin ako, she's like that since then.
"Bakit po Mommy?" nakangisi kong tanong nang salubungin ang tingin niya.
Inalis niya ang pagkakakrus ng kanyang braso at ang pagkakataas ng isa niyang kilay. Lumapit siya sa akin. "Hindi mo naman sinabi sa akin na close pala kayo ni Calix," nakangiting aniya.
Nangunot ang noo ko. Calix and I we're not even close! Where did she get that idea ba? Oh right, Calix said that he called my Mom earlier, hindi na dapat ako magtaka.
But aside from that, I should be happy right? Kasi hindi manlang siya nagalit, mukhang hindi niya ako isusumbong kay Daddy. That's good 'no? Mukhang makakaligtas ako ngayon.
Ngumiti ako ng pagkatamis-tamis kay Mommy. "Wala naman akong kailangan sabihin Mom, kasi hindi kami close," sabi ko pa, pero mukhang wala atang balak maniwala ang nanay ko sa sinabi ko.
Pinanliitan ako ng mata ni Mommy. "Eh bakit kayo magkasama kagabi?" pang-uusisa pa niya, gosh! Mas malala pa pala si Mommy kaysa kay ate Luisa!
I rolled my eyes. "I told you Mom, magbabar kami nina Krizzy, nagkataon na naroon din sina Calix kaya ayon," paliwanag ko pa.
Sana naman ay hindi na siya magtanong pa. I really wanted to go to my room! Masakit pa ang katawan ko!
Tumango siya. "Okay, take some rest na," aniya at umalis na.
Napabuntong hininga ako nang sulyapan ang papalayong bulto ni Mommy. Buti nalang at hindi na siya nagtanong pa ng nagtanong.
Nang makapasok sa kwarto ay agad akong dumiretso sa banyo para maligo. Nanlalagkit na ako, miski ang p********e ko ay medyo masakit pa. Nagbabad ako sa bathtub, mainit na tubig ang ipinanligo ko kaya umayos-ayos ang lagay ng kabuuan ko.
Pagtapos kong maligo ay nanood muna ako ng tv habang hinihintay matuyo ang buhok ko, pakiramdam ko ay hindi rin ako makakapasok ngayon, gusto kong matulog buong araw.
Sumapit ang gabi, mag-isa na naman akong nagdinner pero ayos na rin 'yon kaysa 'yong nandyan sila pero puro business naman ang pinaguusapan sa hapag.
Sumapit ang kinabukasan. Maaga akong nagising at naligo. Nagsuot ako ng green na dress at agad na dumiretso sa ospital. Bawat taong madaanan ko ay binabati ako. Nginitian ko naman sila at binati rin pabalik.
Nang makarating ako sa office ay agad kong tinignan ang mga records na nasa lamesa ko. Pumikit ako ng ilang sandali saka huminga ng malalim. Matapos 'yon ay sinimulan ko na ang aking gagawin. Nasa kalagitnaan ako ng pagaanalyze ng mga medical records nang biglang magring ang phone ko.
-Angela Calling-
Psh ngayon pa talaga, kung kailang busy ako?
"Bakit ka tumawag? anong kailangan mo?" diretso kong tanong, ang paningin ay naroon pa rin sa mga records. I'm wearing my specs pa.
[Mangangamusta lang ako, teka ano na bang nangyari sa inyo ni Calix kagabi? Bigla kayong nawala]
Natigilan ako sa ginagawa at tumitig doon sa cellphone ko. Oh yeah right! Pinaalala na naman niya.
I sighed. "I'm busy Angela, pwede bang sa ibang oras nalang natin 'yan pag-usapan?" tanong ko, obviously iniiwasan kong pag-usapan ang bagay na 'yon. Not now, I need to focus on these records in front of me!
[Nasaan ka ba?]
"I'm at the hospital," maagap kong sagot.
[Oh sige, pupunta nalang ako riyan]
Nahilot ko ang sentido. Aish! Paniguradong hindi siya titigil hangga't hindi naririnig ang kwento ko!
"Busy nga ako Angela."
[Sandali lang naman, hindi ako magtatagal]
"Okay, fine," sabi ko at agad siyang binabaan.
Makalipas ang ilang minuto ay narito na si Angela sa loob ng opisina ko. Malapad pa ang kanyang ngiti.
"So ano na ngang nangyari kagabi?" tanong niya agad nang maupo sa harapan ko.
"Let's talk about that over lunch, nakita mo naman siguro itong mga nasa lamesa ko 'di ba?" tanong ko at inginuso ang mga records na nasa lamesa ko.
"Ngi, magmulti-task ka, magkwento ka habang ginagawa mo 'yan," aniya at ngumisi.
"Can't it wait?"
"It can't."
I removed my specs and faced her. "Creed, Calix and I made a great company last night."
"Hmm, what else?" she asked curiously.
I raised a brow. "Do I really need to tell you everything?"
She nodded. "Of course Kesh!"
Sumimangot ako nang maalalang iniwan nila ako kagabi. Naiinis ako sa kanila, pero kapag nakikita ko sila ng harapan ay kusa 'yong nawawala. Parang anytime kaya ko silang patawarin.
"Iniwan niyo nga ako kagabi."
"Sorry naman, pero binalikan ka namin kagabi kaya lang wala na kana sa pwesto niyo ni Calix, so ano?"
"Well..."
"What happened?"
"Naiwan kaming dalawa ni Calix kasi umuwi na 'yong kaibigan niya," pagtutuloy ko sa sinabi kanina.
Her mouth formed an 'o'. "So how was it? Did you two talked a lot?"
Sana nga ay 'yon lang ang nangyari 'di ba? Pero hindi eh! Nagsex kami!
"No? Well yeah?" Gosh, how should I answer her?
"Hmm, something's fishy, may nangyari sa inyo 'no?" tanong niya at sinuyod ng tingin ang kabuuan ko.
Nag-iwas ako ng tingin at hindi sumagot. Mas okay na 'yong hindi sumagot kaysa 'yong may sabihin ako pero kasinungalingan naman.
"Hmm, mukhang tama nga ako," aniya at inilagay pa ang kanyang hintuturo sa kanyang baba. "May nangyari sa inyo."
Hindi ako nagsalita. I sighed. Mukha namang wala akong maililihim sa kanila, so might as well sabihin ko nalang. Trusted naman sila eh.
"Sabagay, may point din naman siya, mas mabuti na 'yong kaunti ang nakakaalam, kasi kapag nakarating pa 'yan sa pamilya niyo? Nako, yare! Baka ipakasal kayo agad!" aniya matapos marinig ang kwento ko.
Bigla akong kinabahan sa sinabi niya, kasal? Hindi naman siguro mangyayari 'yon diba? Malaki naman na kami ni Calix, we can decide and make decisions on our own.
"Nako! Tigilan mo nga 'yan, hindi naman siguro aabot sa ganoon," kontra ko. Ako na mismo ang kumontra sa ideyang 'yon.
"Pero bes paano kung magbunga 'yon? anong gagawin mo?" tanong niya.
Natigilan ako at sandaling napaisip. Ano nga ba? pero ang tanong, handa na ba 'ko?
Nakagat ko ang ibabang labi saka umiwas ng tingin. "E 'di magbunga kung magbunga, kaya ko namang buhayin mag-isa 'yong bata eh, hindi ko siya kailangan, isa pa ayokong ipilit ang sarili ko sa katulad niya."
Tumango tango siya. "Hmmm...tama ka naman dyan, but he also needs to know bes, if ever man."
Gosh! Ayoko na munang isipin 'yan sa ngayon, gusto ko nalang muna magfocus sa trabaho ko! I can do that right? Atleast for now?
"If ever lang!" sagot ko. 'Di pa naman kasi sigurado diba?
"Yeah if ever pero talaga bang hindi na maglelevel up ang pagiging strangers niyo?" tanong niya pa. Nakakaloka na talaga!
"Sa tingin ko naman ay hindi na," kaswal kong sagot.
"Basta bes kaya mo 'yan ah! Nandito lang ako, kami para sa 'yo," sabi pa niya, lumapit siya sa akin at yumakap.
Oa naman nito! Pero naappreciate ko 'yon.
"Oo naman salamat," sagot ko at yumakap din sa kanya.
Napangiti ako sa inakto ni Angela. Masarap kasi sa feeling kapag alam mong may mga taong nandyan para sa 'yo at nagpapasalamat ako na may kaibigan akong gaya niya, nila.
Sumapit ang hapon at nandito pa rin 'tong si Angela sa office ko, aba ayaw magtigil ng bunganga niya! Lalo pa niyang pinapaalala sa 'kin 'yong nangyare, 'di siya makamove on as in!
"Pero bes ang swerte mo talaga na naka one night stand mo si Calix eh!" aniya at hinampas pa ako sa braso.
See? Ayan na naman siya tss --,--
Tinaasan ko siya ng isang kilay. "Swerte ba kung matatawag 'yon? Malas siguro," naiiling kong sinabi.
Pinandilatan niya ako. "Duh oo swerte na rin 'yon! Hindi mo ba alam na maraming babae ang nagkakagusto riyan kay Calix? Marami ring naghahangad na makalapit sa kanya, kaya ikaw na jusko bes!"
Ano naman kung maraming nagkakagusto sa Calix na 'yon? Hindi naman ako isa sa kanila! Ni hindi ko pinangarap na malapitan 'yon, I just find him attractive pero 'yon lang, aaminin ko rin na masaya siyang kausap, kaya nga napahaba ang usapan namin pero hanggang doon lang 'yon!
Nahilot ko ang sentido ko sa pinagsasasabi ni Angela. "Alam ko 'yon, pero kahit na ba naka-one night stand ko siya ay hindi pa rin matatawag na swerte 'yon!"
Ngumiwi siya. "Ano pang alam mo kay Calix?"
Tsk ano na naman kaya ang nasa isip nito?
"Wala akong masyadong alam tungkol sa kanya, Angela," pag-amin ko.
Hindi naman kasi kami close duh! Ang alam ko lang sa kanya ay 'yong pangalan niya at isa siyang businessman, bukod doon ay wala na.
Napakamot siya sa kanyang ulo. "Ah...eh nacurious lang kasi ako sa kanya, you know hindi kami masyadong close, pwede bang kwentuhan mo 'ko about sa kanya?"
Matunog akong bumuntong-hininga saka paulit ulit na umiling.
Ano naman ang ikekwento ko sa kanya e, hindi nga kami close ni Calix? Bakit ba kasi interesado siya masyado sa taong 'yon? Isa rin ba siya sa mga babaeng naghahangad sa lalaking 'yon? Nako, sana naman ay hindi...
~to be continued~