"Saan mo ako balak i-treat pagkatapos nilang mailabas ang designs mo?" Natapon ang ilan sa toppings ng kinakain ko na pizza dahil sa malakas na pagsiko ni Liam sa aking kamay. Sinamaan ko siya ng tingin. Bakit kasi kailangan pang may kasamang paniniko ang pagtatanong niya?! "Hindi ako magt-trabaho para ilibre ka! Hindi kita anak!" "Hindi nga! Pero pwede akong maging tatay ng mga anak mo!" Nakangisi siya't binantayan ang kamay ko kung lilipad ba ito papunta sa kanya. Umirap lang ako at kumagat sa kinakain ko na pizza. "Ayokong malahian ng unggoy! Huwag na lang!" Napalabi siya at pabagsak na sumandal sa sofa. Itinaas niya ang kanyang paa sa center table na malapit sa kahon ng pizza. Sinipa ko iyon kaya wala siyang nagawa kundi hayaang nasa sahig ang mga paa niya. "Napaka kuripot mo na

