Pagkabalik na pagkabalik namin sa Manila hinatid ako ni Linus sa bahay. Umakyat ako sa kwarto para makapag pahinga na. Nakakapagod ang maikling bakasyon na 'yon. Marami kaming ginawang activities pero mas napagod ako kay Linus. Tahimik akong nagsusuklay pagkatapos maglinis ng katawan. Muli kong naalala kung paano ako titigan ng Lola niya. Tagos sa akin ang mga tingin niya at parang may pilit na inaalala. I've never been stared by anyone like that. Sexually and alluring stares were common for me but his grandmother's gaze made me uncomfortable. Kinabukasan ay naabutan ko na kumakain ang lahat ng mga pagkain na niluto ni Luna. Nagkakagulo sa sofa ang lahat maliban kay Aston na nasa railing, nakasandal at kunot noong kausap ang blonde na babaeng kasama niya. Ipinakilala niya ito sa amin nan

