Nagising ako sa sikat ng araw na sumisilip sa manipis na kurtina. Bumangon ako at nagkusot ng mga mata. Nakakapanibago na sa ibang bahay ako nagising. Napangiti ako nang maalala ang kakulitan ni Linus kagabi. Hindi ako natulog sa kwarto niya kahit anong pilit at lambing niya sa akin. Baliw ba siya? Hindi na siya nahiya sa tita niya! Mabuti nga at hindi nagtatanong, ngumingiti lang sa akin kapag nagtatama ang mga tingin namin. Subalit nasa mga matang may alam siya tungkol sa amin ni Linus. Naligo na ako at nag-ayos. Simple black flowy dress below the knee ang isinuot ko. Kitang kita ang kurba ng katawan ko pati na rin ang makikinis ko na balikat at braso. Lumabas na ako bago pa may kumatok sa pinto. Naabutan ko si Linus na nagluluto ng almusal. Beige cargo short and black fitted long sl

