"Uwi na ako," paalam ko nang matanaw ang bulto ni Linus na kasama ni Luna. Papunta sila sa Lanai at sa tuwing dumarating sila'y ganito ako. Nagpapaalam ako dahil ayokong makasama siya sa isang lugar. Malaki ang paaralan subalit hindi ako makahinga at nasisikipan sa lugar na ito sa tuwing natatanaw ko siyang palapit. Ilang araw na ang nakalipas simula noong ball. Pero malinaw ko pa ring naaalala ang mga salita niya. Diretso ang tingin ko nang maglakad paalis sa Lanai. Makakasalubong ko sila dahil papunta sila habang paalis ako. Nagkatinginan kami. Sandaling sandali lang iyon dahil mabilis kong inilihis ang mga mata na parang hindi ko siya nakita. Tumigil siya nang ilang hakbang na lang ang layo ko sa kanila. Mayroon siyang dalang mga inumin na galing sa kilalang coffee shop habang si Luna

