"Kuya, aalis na ako ah? Mag-ingat kayo. I love you." Niyakap nila akong tatlo. "I love you, Cheska. Kailan ka kaya ulit makakabalik dito?" tanong ni Kuya Rex. "Kuya, babalik ako kapag may free time. May event akong dadaluhan. Dadalawin ko kayo!" I kissed their cheeks, "Wala nang iyakan." Tumango silang tatlo. "Bye, Cheska. Ihahatid ka na namin sa baba." Bumuntong-hininga ako, "Sige na nga." Nakaakbay si kuya Angelo habang naglalakad kaming tatlo. "Ingatan niyo ang mga girlfriend niyo, dahil ako? Hindi iningatan. 'Wag niyong iparamdam sa kanila ang nararamdaman ko." Ang lungkot. "Yes, Cheska." Sabay nilang sabi sa'kin. Pagdating sa ground floor ay nagpaalam na ako sa kanila. Mukha silang malulungkot. Alam ko naman na mahal na mahal nila ako. Sumakay na ako sa kotse ni Parker sak

