Vane's POV "Ano ang gusto mong lutuin ko?" I asked her habang tinitingnan ang mga ingredients. "Roasted chicken, Vane. 'Yan ang gusto ko." Napatingin ako sa kaniya bigla. Deretso ko siyang tiningnan sa mata, "Hindi ako nagluluto ng roasted chicken, Cheska." Hinding-hindi talaga. "Gusto kong matikman 'yon, Vane." She pouted her lips, "Matagal ko 'yong hinanap." "Lagi ka namang may hinahanap. Ako na lang ang mag-iisip ng lulutuin." Hindi ko pa kayang lutuin 'yon dahil kahit kailan hindi ko malalampasan ang lasa no'n at iisa lang ang may kayang gumawa ng roasted chicken na lahat ng tao masasarapan. "Bahala ka nga! Nag tanong ka pa kung hindi mo din naman pala gagawin." Sumimangot siya ka agad. Wala din naman akong pakealam. Hiniwa ko na ang mga sangkap. Gagawa ako ng roasted pork

