"Tingnan mo! Kapag ikaw naubusan ng dugo, ewan ko na lang." Turo niya sa kamay ko, "Kakalagay lang, kinuha mo na naman." I decided to pull it off. Sagabal kasi ng dextrose. Nakalugay ako ngayon sa couch habang pinaglilinis sila. Syempre may kapalit 'yan. "It's okay, Sky. Thanks for the love and care." "Sobrang bilis kanina ni Victor, hirap habulin. Palibhasa racer." Sabi ni Lincoln habang nilapag ang mga maayos na gamit sa lalagyan nito. "Well, I'm the champion. Walang makakatalo." "Saan ko ilalagay ang mga basura, Vane?" tanong ni Nate. "Nate, iponin mo lang diyan sa gilid." "Ayys! Nagasgasan tuloy ang maganda niyang sahig. Ang ganda ng bahay na 'to ah?" Parker commented. Maganda naman talaga ang pagkakagawa nito. "Park, sa'kin ka magpagawa ng bahay, maliit lang ang babayara

