Cheska's POV "Sabi ko naman sa'yo, eh. Walang hiya 'yong lalaking 'yon." Nilapag ko ang dalang pagkain sa mesa. Andito kami ngayon sa office. Magkasalubong ang dalawang kilay niya at hindi nagsasalita, "Umupo ka!" utos ko sa kaniya. Nakasandal kasi siya sa gilid ng pinto. "'Wag mo nga akong utusan. Alam ko ang gagawin ko 'no!" asik niya. Bakit ba kasi nakatayo lang siya diyan? "Gusto lang naman kitang umupo dito! Sa harap ko!" I crossed my arms and lean at the backrest of my swivel chair. "Alam mo, nakakainis 'yang boses mo!" umupo siya sa harapan ko. "Kainin mo na 'yang niluto ko. 'Wag mong kalimutan ang bayad sa mga groceries na ginastos ko diyan ah?" sinamaan ko siya ng mukha. "Oo na! Bibilhan kita ng groceries. Ang damot mo! Pagkain lang naman, eh." Binuksan ko ito at nilabas

