Kabanata 1

2052 Words
After 2 years Cheska's POV "Oh, sige pa. Ayusin mo ang lakad mo, Hannah! Stand straight!" turo ko sa kaniya habang nakaupo sa upuan ko. We're preparing for the show. Lahat ng bagong designs ko ay ilalabas na namin next week. "'Yan, gayahin niyo si Bea. Fierce pa, Be. Ikot, ayan!" pumalakpak ako habang tiningnan siya. Hindi kami puweding pumalakpak dito. Dito aangat ang clothing line ko kapag nagkataon. "Jake, 'wag mo masyadong palabasin ang abs mo, dapat natural lang. Itaas mo kamay mo pagdating diyan, 'yan, diyan mo ilabas." Umikot na siya. They are modeling the gowns and suits I designed, meron din akong swim suits and other under garments. Ang iba ako pa talaga nagtahi niyan. I'm so glad that it works kahit mag isa lang akong nag manage well, not exactly mag isa, I still have my brothers and managers who helped me. "Hey, baba." tawag niya. Napangiti akong lumingon sa biglang pagdating ni Tristan. He's my boyfriend. Mag iisang taon pa lang kaming dalawa. "Baba!" tumayo ako at niyakap siya. He's so handsome. Actually he's my college crush. Hindi ko nga alam kung bakit niya ako niligawan noon perp syempre hindi na ako nagpakipot. We officially become in relationship after 2 weeks of courting. Nagalit nga ang mga Kuya ko, eh. I heard him laugh, "You missed me? Aw, lagi naman akong pumupunta, ah?" kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya. "Break muna!" sigaw ko sa mga models ko, "Pumupunta ka lang naman dito 'pag practice, eh." "Kasi alam kung pagod ka," pinunasan niya ang noo ko. Hindi ko alam kung bakit ayaw na ayaw ng mga kuya ko sa kaniya. "Maupo ka na, ano ba ang dala mong pagkain?" pinatong niya sa taas ng mesa ang ang paper bag na dala. "Vegetable salad, ba. Dinalhan ko na rin pati mga models mo. Hannah, halika may dala akong salad dito." Nagmadali naman si Hannah na gumawi sa'min. Ang bait niya kapag may pagkain siya hindi lang para sa'kin, para na rin sa lahat. "Yes po, sir Tristan?" napangiti siya. "Eat this, 'wag kang papagutom, bigyan mo ang mga kasama mo." Bigla akong nagtaka. Gano'n na ba siya ka concern? 'Wag magpapagutom. "Thank you, po." Tumalikod na si Hannah kaya bumaling ako kay Tristan. "Ano 'yong 'wag kang magpapagutom?" I asked before opening the food he brought. "Baba, kailangan nilang kumain ng mabuti. Ikaw din, gusto mo bang magkasakit sila?" umiling ako. Tama nga naman siya. Ngumiti ako at nagsimula nang kumain. We eat together, may sinusunod kaming healthy diet kaya kailangan healthy ang kinakain. "Ba, magbabanyo muna ako, ah? Kumain ka lang diyan, okay?" tumango ako, "Babalik din ako agad." Tinapos ko na ang pagkain at uminom ng lemon juice. It's refreshing. Naisipan kong tawagin si Hannah. "Hannah! Tawagin niyo muna si Hannah, may sasabihin ako." Sabi ko. Tinatamad akong tumayo ngayon. "Ma'am, wala po siya dito." "Huh? Nasaan siya?" "Nagbanyo po siya sandali." Akala ko kung umuwi siya, hindi siya puweding umalis dahil hindi pa tapos ang practice. Tiningnan ko ang malaking wall clock dito sa loob. Kanina pa umalis si Tristan bakit ang tagal niya? Ano? Nagka-LBM siya gano'n? Naisipan kung tumayo ay puntahan siya may nangyari. Pagdating ko banyo ay tinawag ko siya mula sa labas, "Baba? Ba? Matagal ka pa ba diyan?" pero wala akong naririnig na kung ano, "Ba? Puwedi ba akong pumasok?" kumatok ako. Magkaharap kasi ang banyo ng babae at lalaki. Hindi ako nakakuha ng sagot kaya humakbang ako papasok. "Ba? Anong ginagawa mo diyan?" nakakunot noong tanong niya sa'kin. Pinagpawisan ang mukha niya. "Ba, saan ka nanggaling? Kanina pa ako tapos kumain." Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya sa beywang. "Lumabas lang ako sandali dahil may tumawag sa'kin." Pinunasan niya ang mukha at inakbayan ako. Masyado lang siguro akong nag iisip nang kung ano-ano. Nagsimula na ulit kaming mag-practice. "Where's your heels, Bea?" "Ma'am, nasira po sa backstage." Nanlumo siya. I sighed and take off my the heels I'm wearing. "Oh, magka-paa lang tayo hindi ba? Wear this, malapit na man na tayo matapos dito, konting ayos na lang nang linya at galawan." Bumaba si Bea at kinuha ang hawak kong heels. "Thank you, ma'am. Ang bait niyo po." "It's okay, wear that. Bumalik ka na do'n sa puwesto mo." Utos ko sa kaniya. Heels lang naman 'yan I have many collection in my house. Yes, I already have my own house. Hindi siya gano'n ka laki kasi ako lang naman ang mag isa. "Okay, enough for now. We don't have practice tomorrow but the day after tomorrow we have rehearsal wearing the clothes assigned to you." Tumayo ako at kinuha ang bag ko. Nakapaa lang pala ako. "Ma'am Cheska, paano po 'tong heels niyo? Huhubadin ko na lang po." Bea said. I shaked my head, "No, it's okay. May tsenilas ka bang dala diyan? Pahiramin mo na lang ako." Sabi ko sa kaniya. "Ah, hindi po mamahalin ang tsenilas ko, Ma'am." Nahihiya siyang sambit. "Bakit? Mukha ba akong sosyalerang palaka? Bilis, Bea. I have to go home early." Hindi naman ako kagaya ng iba na porket may pera ay ayaw nang gumamit ng hindi mamahaling bagay. "Eto po." Nilapag niya ang pares ng tsenilas. Hindi naman pangit ah? "Hindi naman pangit. Salamat, Bea. Aalis na ako, lock the rooms before going out." Bea is one of the best model I have. Maganda, matangkad at Filipina beauty. Maraming nag-o-offer sa kaniya but she still choose to stay here dahil nahihiya daw siya kasi madaming magagaling do'n. Pumasok na ako sa kotse at pinaandar ito. Inayos ko muna ang mga gamit ko sa backseat ng bigla akong magulat at matagal kong napindot ang busina. "Advance Happy Birthday, Cheska!" bumitaw ako sa manibela habang ang isang kamay ay nasa dibdib dahil sa kaba. "Kuya, naman eh! Magkakanerbyos yata ako dahil sa inyo. Teka, next week pa ang birthday ko ah?" singhal ko sa kanila. "Gusto lang naming surpresahin ka, bakit? Lagi naman kaming advance, ah? Rex, umusog ka nga! Hindi tayo kasya, oh." Naiinis akong tumingin sa kanila. Tatlo sila kaya hindi talaga sila kasya sa kotse ko. "Andito sa'kin ang cake, Cheska! Blow mo na." Sabi ni kuya Angelo. Habang hindi makagalaw sa inuupuan, "Umusog ka muna, Phin." "Anong uusog? Wala na ang akong mausugan dito? Nakadikit na ang muscles ko dito sa pinto." Sagot ni kuya Phin. Pasalit-salit lang ang tingin ko sa kanilang tatlo. Ano bang ang pinaggagawa nila? Mga tanga talaga 'tong mga kuya ko. "Kuya Phin, ikaw na nga ang mag-drive. Nasaan ba ang kotse niyo?" lumabas ako ng kotse at umikot sa kabila. "Nag-taxi kaming tatlo. Wait, blow your cake, Cheska." I rolled my eyes and blow. I wished na sana maging successful ang show next week. "Itabi mo na nga 'yan, kuya. Wala talaga kayong magawa sa buhay niyo, hindi ba sabi ko sa inyo na sa bahay niyo na ako hintayin?" I crossed my arms. Kuya Phin started the car. "Well, it's Rex idea." Sagot ni kuya Phin. "Ah, yes, Cheska. Gusto lang namin isurprise ka." "Iniwan mo na naman ba girlfriend mo para puntahan ako?" Ngumoso ako at sumandal sa back rest ng upuan. "Yes," sagot niya. Sumimangot ako. "Eh, kayo? Kuya Angelo at Phin? Iniwan niyo din?" "Sa'kin hindi, sinabi ko sa kaniya kahapon pa." Nakahinga ako maluwag. Nagseselos kasi ang mga girlfriend  nila sa'kin dahil daw inaagaw ko ang oras nila. "Anong hindi? Kanina lang kita inaya, ah?" "Kuya?" pinalakihan ko siya ng mga mata na magsabi ng totoo. "Okay, fine. Inaya niya akong makipag-date but I refuse dahil inaya ako ni Rex." Inabot ko siya at kinurot sa kamay. Pati si kuya Rex ay kinurot ko sa tagiliran. They groaned because of pain. Mahaba ang kuko ko kaya masakit talaga. "What about you, kuya Phin?" tinaasan ko siya ng kilay. Biglang tumunog ang cellphone niya mula sa bulsa ng jacket nito. He's driving kaya hindi niya ito makukuha. Akma ko itong kukunin pero bigla siyang lumayo. "Parang kumakati ang puwet ko." Biglang tumawa sina kuya maliban sa'kin. Inabot ko ulit pero umiwas siya, "Ang kati talaga." I take off my seatbelt at mabilis na dinakma ang bulsa niya. "'Wag kang gumalaw, kuya. Ako na ang kakamot ng puwet mo." Biro ko sa kaniya. Humalakhak ang dalawang lalaki sa backseat. "Hindi na pala makati, Ches." Pigil ang tawa ko. Bigla ulit nag-ring ang phone niya. "Ako na ang sasagot." "No!" malaya kong kinuha ito. Mae is calling, her girlfriend. I answered it and clicked not the loudspeaker. "Phineas! Where are you? I've been here almost one hour! Sabi ng manager mo wala ka daw dito? Ano 'to? Pinapunta mu'ko dito para hindi siputin?" rinig na rinig namin ang hingal niya, "Answer me, asshole!" napatakip ako ng bibig habang nakatingin kay kuya. He greethed his teeth. Naiinis na siguro siya. "LET'S BREAK UP!" malakas na sigaw ni kuya. "WHAT DID YOU JUST SAY?!" "I'm sorry, this is Cheska. Si kuya Rex 'yong sumigaw. May ginagawa kasi si kuya Phin. Sasabihin ko na lang sa kaniya na tumawag ka." Mahinahon kong sambit at inabot ang kamay ni kuya para kurutin. Napangiwi siya at hindi maka-aray. "Sabihin mo diyan sa kuya mo na 'wag magpapakita sa'kin." Binaba niya ang tawag. I deeply sighed and looked at them. "Kita niyo na? You're making things worst. Kapag may lakad kayo sabihan niyo sila." Imbis na sumeryoso ay tumawa sina kuya Rex at Angelo. "Phin is under by his girlfriend. Nakakatakot pala ang girlfriend niya." Natatawang komento ni Kuya Rex. "Yeah, I agree. I imagined her face like a monster that ready to eat Phin as her meal." I faced palm and look at kuya Phin, hindi siya nagsasalita. "Bakit mo ba kasi 'yon ginawa, kuya? You can just skip this. You can go to me anytime." Nalulungkot ako para sa kaniya. "You first before anything else, Ches. And I missed my princess, that's why." I slightly smiled. I'm so lucky to have my brothers.  "But it's unfair for them, you can tell her naman na may gagawin ka, kayo. You can't just indian  your girlfriends para sa'kin." Napatigil ang dalawa sa pagtawanan sa likod. "You're our first love." Sabay nilang sabi sa'kin. "Paano kapag ganiyan din ang boyfriend ko? Na laging wala dahil ando'n sa kapatid nila." Malungkot kong tanong. Para sa'kin unfair din 'yon. "Then, we'll punched his face para ma-realize niyang mali ang ginagawa niya sa'yo." Phin answered. "Yes, that's right, Phin!" "May utak ka rin pala, Phin. Ano na lang kaya ang silbi natin?" nawalan na ako ng pasensya kakasabi sa kanila. Wala na talaga silang pag asa. Tumahimik na lang ako at hinintay na makarating sa bahay. Pagdating namin ay nauna akong bumaba. Sumunod sila sa'kin. "Hindi mo suot ang bigay kong sandals?" Kuya Rex asked. Hindi ako nakapagsalita agad. Binigay ko 'yon kanina kay Bea. "She's wearing slippers, obviously hindi, Rex." Naunang maglakad sina Kuya Phin at Angelo. "Kuya, tara na." Hinila ko ang kamay niya at nilagay sa balikat ko. "Wala ka bang ibang tsenilas diyan? Bakit ang pangit ng suot mo?" tanong niyang habang tinitingnan ang mga paa ko. "Syempre meron, ito lang 'yong nadala ko, eh." *************** "Wow! Ang sarap ng luto mo, kuya." Baling ko kay Phin. He's a good cook. Meron siyang restaurant. "Thank you, kumain ka na." "How are you with your boyfriend, Ches? Hindi mo pa ba nakikitang niloloko ka?" "Kuya, kumakain tayo. Ganiyan talaga ang pag uusapan natin?" "Of course. Wala naman na tayong ibang pag uusapan. Meron pa ba maliban sa panloloko niya?" "Hindi niya naman ako niloloko, eh. Bakit ganiyan ang iniisip niyo?" naiinis kong tinusok ng tinidor ang steak. "That's because you were played by a man two years ago. Hindi ka pa ba nadala? We want you to be careful choosing a man! Mabuti at hindi ka nabuntis." bumalik ang alaala ko sa mga panahon na 'yon. Hindi ko pinagsisihan 'yon. Magmula noon, I started to move na wala nang nagbabantay. Hinahanap ko siya pero hindi ko siya kailan man nakita. Sa iba't-ibang club sa buong manila. "Matagal na 'yon, kuya. Why can't you move on?" "Kung nahabol ko lang 'yon, edi sana napuruhan ko ang mukha niya." "Napuruhan, hinayaan mo ngang makatakas 'yon, eh." At nagsimula na naman sila ulit magbangayan kung sino ang malakas at mahina. ____________________________________________________________________________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD