Chapter 37 Tatlong araw ang lumipas matapos malaman ni Bliss kung sino ang pumatay sa mga magulang niya, tatlong araw na laging umiiyak si Bliss dahil kay Trace dahil sa kinahantungan ng relasyon nilang dalawa. Sa lumipas na tatlong araw ay hirap na hirap ang puso ni Bliss, lagi niyang naiisip si Trace at sobra niya itong namimiss pero pinipigilan niya ang kaniyang sarili na puntahan ito dahil alam niyang kung makikita niya ito ay ang kasalanan ng ama nito ang makikita niya. Mahal niya si Trace, alam at nararamdaman niya ‘yun pero ang katotohanan sa mga nalaman niya ay bumuo ng galit sa puso niya dahilan para matabunan nito ang pagmamahal niya para kay Trace. Hinahayaan ni Bliss na iiyak niya lahat ng nararamdaman niya at sa oras na okay na siya tsaka niya muling haharapin ang ama n

