-THE REAL MASTERMIND- Chapter 42 “H-hindi ang a-ama ni Trace ang p-pumatay k-kina Daddy? H-hindi sila….” Pakiramdam ni Bliss ay nabingi siya sa kaniyang mga narinig mula sa Uncle Fabian niya, hindi mag sink sa isipan niya ang nalaman na hindi si Uncle Lucian ang pumatay sa kaniyang mga magulang. Hindi alam ni Bliss kung paniniwalaan niya ang ang kaniyang mga narinig, hindi niya alam kung paano iintindihin ang mga sinabi sa kaniya ng kaniyang Uncle Fabian na hindi ang ama ni Trace ang pumatay sa kaniyang ama at ina. “Hindi ko alam hija kung saan mo nakuha ang impormasyon na ‘yan na si Lucian De Leon ang pumatay sa iyong mga magulang, pero hindi ako pwedeng magkamali. I was there and I heard the name and see the person who killed your parents mercilessly, your father was b

