Chapter 53 Mabilis na iniwasan ni Trace ang pasuntok na pagsugod ng huling kalaban na humarang sa kaniya habang hinahabol niya ang sinakyan ng lalaking kumuha kay Heaven. Agad na hinawakan ni Trace ang braso ng kalaban niya at paikot na binalibag sa lupa habang hindi niya binibitawan ang braso nito na madiing pinakiot dahilan para mapahiyaw ito sa sakit dahil sa pagkakabali ng brasong nitong binitawan na ni Trace. Nagkalat sa lugar na pingtigilan ni Trace ang mga nakalaban niya na walang malay at ang iba ay wala ng buhay, habang iniinda ng huling kalaban niya ang pagbali ni Trace sa braso nito ay dinampot ni Trace ang kahoy na malapit sa kaniya bago binalikan ang kalaban niyang namimilipit sa sakit habang hawak nito ang braso niya na malakas na ikinasipa ni Trace s amay sikmura nito

