-FLASHBACKS OF THE PAST PART I- Chapter 40 “Lucian De Leon? Anong ibig mong sabihin na baka pumunta sila sa kaarawan ng anak mo?” “He is a Don of a mafia clan in U.S.A, sa ginawa ko sa anak niya alam ko na babawian niya ako.”seryosong pahayag ni Juno na ikinakunot ng noo ni Fabian sa mga sinasabi ng kaniyang pinsan. Kararating lang nito kasama ang asawa nito at ang nilang anak na babae upang dito sa pilipinas ipagdiwang ang ikapitong-kaarawan ng kaniyang anak. Nag-aalala si Juno dahil alam niya na sa ginawa niyang pagdamay sa anak ni Lucian De Leon ay babalikan siya nito. Parehas silang Pillars ng Underground Society at ang isang bata ang pumili sa kanila para mapasama sa mga pillars na susuporta sa tinatayo nitong Underground Society. Hindi niya masyadong kilala ang isang

