SPECIAL CHAPTER II- The Wonderful Unforgettable Wedding May kasabihan na pagkatapos ng bagyo ay muling sisilay ang liwanag ng araw, ang bagong pag-asa at panibagong saya. Matapos ang pagsubok na kinaharap nina Bliss at Trace, matapos silang mawalan ng dalawang tao na mahalaga sa buhay ni Bliss, masakit man ay patuloy silang mabubuhay at magiging masaya para sa mga ito. Matapos ang unos kina Bliss at Trace ay dumating naman ang pinakahi-hintay na araw nilang dalawa, kung saan mangangako sila sa Diyos ng habang buhay na pagsasama at pagmamahalan. Ang araw kung saan magsisimula na silang palitan ang mga masasakit nilang nakaraan ng masasayang alaala. Matapos ang proposal ni Tarce kay Bliss sa harapan ng puntod ng magulang ni Bliss ay isang linggo lang ang ginawang paghahanda ni

