KABANATA 29

1292 Words
Dumating ang araw ng linggo na hindi mapakali si Christina. Umuwi na ang mga kasama niya sa kwarto kaya kasalukuyan siyang nag-iisa. Hindi malaman ng dalaga kung tama bang sumama siya kay Ralph at kung hindi ba naman siya isang lukaret ay hindi niya naitanong o nakuha man lang ang cellphone number nito. Hindi rin niya naitanong kung saan at anong klaseng dinner iyon. Hindi naman siya siguro ide-date ni Ralph? Ambisyosa.  Singhal ng boses na iyon sa utak niya. Nahindik siya sa itinatakbo ng isip. Imposible iyon. Bago pa kung anong konklusyon ang maisip niya ay nagdisisyon na siyang magpatulo ng tubig pam-paligo. Ang bilin ni Frida ay humihina ang tubig sa gripo kapag araw ng linggo kaya kailangan daw niyang mag-ipon ng maaga kung nais niya ng walang aberya. Alas singko pa lang ng hapon ay nakagayak na si Christina. Tutal ay wala namang sinabi si Ralph na dapat niyang suotin ay nagsuot na lang siya ng fitted pants at collard shirt. Nang humarap siya sa salamin ay napangiwi siya. Maputla ang balat at labi niya, nagsisimula na rin mangitim ang ilalim ng kanyang mga mata. Inabot niya ang pulbos at saka naglagay sa mukha, nang makita niya ang lipbalm ni Karly na nasa makeup box lang nito ay inabot din niya iyon. "Sorry Karly, papahid lang ng kaunti." Aniya at saka in-apply iyon sa kanyang labi. Napangiti siya dahil kahit papaano ay natabunan ang maputla niyang labi. Mag-a-alas singko y medya ng makarinig siya ng busina ng sasakyan sa labas kaya sumilip siya sa bintana. Ang sasakyan ni Ralph iyon kaya mabilis niyang inabot ang sling bag niya at saka lumabas na matapos ikandado ang pintuan. "Hi." Nakangiting bati ni Ralph. Napakurap pa siya ng ilang ulit dahil tila siya namalikmata ng kagyat na pigura ni Gibson ang makita niya. "Okay ka lang?" Tanong nito na kaagad niyang sinagot nang tango. Noon lang niya napansin ang ayos nito. Lavender na short sleeve button shirt na bukas ang ilang butones at cream semi fitted slack with brown leather shoes. Amoy mabango, sobrang linis tingnan na parang nakakahiyang tabihan. "Let's go, may pupuntahan lang tayo saglit." Anito at saka siya ipinagbukas ng pintuan. Walang kibong sumakay  na si Christina. Nahihiya at ninenerbyos na pinaraan niya ang palad sa kanyang hita. Pinagpapawisan ang mga palad niya. Ipinarada ni Ralph ang sasakyan sa tapat ng isang boutique & salon na may malaking sign na FOXY. Nagtatakang nilingon ni Christina ang binata na nagtatanggal ng seat belt nito matapos na patayin ang makina. Nang mag-angat ito ng tingin sa kanya ay ngumiti, lumabas at umikot sa gawi niya upang ipagbukas siya. Naguguluhan man ay bumaba na rin si Christina nang maipagbukas na siya ni Ralph at ilahad ang kamay nito upang alalayan siya. Kunot noong tiningnan niya iyon. Namamawis ang palad niya pero nakakahiya naman kung hindi niya iyon aabutin. Baka isipin nito pabebe pa siya. "Well just do a little work for you Christina. Don't get me wrong. You're fine as you are right now, but I wanna see you at your best." Umpisa ni Ralph habang patungo sila sa boutique. "Huh? Diba kainan lang naman ang pupuntahan natin?" "Well, yeah. Don't worry everything will be on my tab." Natatawang aniya at saka hinila ang glass door para sa dalaga. Bago pa makasagot si Christina ay sinalubong na sila ng isang babae na kaagad bumeso kay Ralph. She's so tall, na pwedeng-pwedeng pumasa na basketball player sa tangkad. Mahabang biyas at mga braso at kahit na may scarf na nakasabit sa leeg ay makikita pa rin ang mga tattoo na naka-kalat sa makinis nitong balat. She's wearing a short skirt and spaghetti strap top na nakakasilaw sa pagka neon green. "Long time no see Ralph. And who's with you?" "A friend, she's Christina. Christina..si Foxy, tropa ko." Na binuntutan ni Ralph ng tawa. Iyong tipong galing sa tiyan sa lalim. "Shut up pare." Nanlaki ang mga mata ng dalaga nang mag-iba ang boses ng ipinakilala ni Ralph na Foxy. Boses lalake, nawala ang lambing at mabini nitong boses kanina lang. "Obviously sweetheart, isa akong dyosa ng mga sirena. Don't be too surprised, I know I'm too good to be true." Untag ni Foxy sa dalaga matapos siyang akbayan at igiya sa mga naka-hanger na dresses. Naka-sunod naman sa mga ito si Ralph. "Find her something descent.." Ani Ralph sa kaibigan. "Excuse me? Everything that I made are all descent. At isa pa hindi na batang munti itong si Christina. She have the goods ya'know." Christina gasp when Foxy put her hands on her waist and pull her shirt from the back emphasizing her curves and breast. "I know that, naniniguro lang." "Fine, ikaw nalang ang pumili manong." "Good idea. Why don't you do her hair and make-up while I'm searching for the dress?" "Sure Mr. Playsafe." Ikot ang eyeballs na muling kinaray ni Foxy ang dalaga patungo naman sa pinaka salon. Pina-hot oil ni Foxy ang buhok ni Christina, pina-trim at saka iyon in-straight ng hair iron. Si Foxy ang mismong nag-make up sa kanya na very light lang naman. Nang matapos ay muli siya nitong dinala sa boutique section. Naabutan nila si Ralph na nakaupo sa pinaka launge doon at nang makita sila ay pinasadahan pa siya ng tingin bago nag-thumbs up. Tumayo ito at kinuha ang dress na pinili para sa dalaga. It's a chiffon knee length cocktail dress. "I'm sure he'll like it. I mean you, wearing it." Sabi ni Ralph matapos iabot ang dress. Hindi na pinansin ng dalaga ang sinabi ni Ralph sa halip ay nagtungo na lang siya sa fitting room. Minasdan niya ang repleksyon sa salamin. She like the simplicity of the dress. She look.. " My you're beautiful." Gulat na napapihit sa kanyang likuran ang dalaga ng biglang buksan ni Foxy ang pintuan ng fitting room. Foxy is nodding with agreement. "Oh,  suotin mo din ito darlin'." Abot nito sa maliit na paper bag. Nang kunin ng dalaga ang laman niyon ay kaagad din niyang nabitiwan sa hiya. "What? Don't tell me ngayon ka lang naka-kita ng thong? Darlin' you're wearing a dress. Iwan mo sa bahay ang granny panties mo." Litanya ni Foxy. Lalong namula sa hiya si Christina nang marinig ang halakhak ni Ralph sa labas.  *** "You okay?" Nangingiting baling ni Ralph sa dalaga na parang hindi mapakali sa pagkaupo. "Walang nakakatawa Ralph." Taas kilay na sagot ni Christina. Kung hindi lang hinaltak ni Foxy ang garter ng suot niyang panty ay nun'ka na isuot niya ang kasalukuyang suot niya ngayon. "We can stop and shop for an underwear if it really makes you uncomfortable. May oras pa naman tayo." "Hindi okay lang. Ang laki na ng nagastos mo sa akin." "Nah, the outcome is worth every single penny. You look really pretty." Ralph sincerely commented that makes Christina's cheeks burn. "S-salamat?" "You're welcome and I'm just stating the truth." "Saan pala tayo pupunta?" Pag-iiba ng dalaga. Ngayon lang niya naalala. "Fairview." Sagot ni Ralph na sumeryoso na at nakatuon na ang atensyon sa kalsada. "May posibilidad na makita mo ang kapatid ko sa pupuntahan natin." Dagdag pa nito. Gulat na lumingon si Christina kay Ralph. "A-ano ulit sinabi mo?" Muling tanong niya gayung narinig naman niya ng malinaw ang sinabi ni Ralph. "Family dinner ang pupuntahan natin Christina. You'll meet  the Montréal's. Sorry kung ngayon ko lang sinabi. " Lalong kinain ng kaba si Christina. Bakit siya isinama ni Ralph sa family dinner ng pamilya nito? Pero posible daw niyang makita si Gibson.. Hindi niya alam kung ano dapat sabihin. Her stomach churned from different emotions. She's scared, anxious, and excited at the same time. Her heart is painfully beating hard from anticipation of seeing Gibson again. She missed him..so much.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD