KABANATA 30

1328 Words
Nagka-doble-doble ang nerbyos ni Christina ng sa wakas ay iparada ni Ralph ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Nang lumabas ang binata ay hindi na niya hinintay pang umikot ito upang pag-buksan siya. "Nandito na tayo.." Ani Ralph na hinintay siyang makalapit. Bahagya pa siyang nagulat nang suklayin ng mga daliri nito ang unat na unat niyang buhok na para bang inaayos iyon. "Don't worry Christina, I'll be by your side." "Shall we?" Iniumang ni Ralph ang siko sa dalaga na atubili man ay kumapit doon. Ang totoo ay parang nag-aaway-away na ang buong lamang-loob niya. Nanlalamig na rin ang pawis niya. Kung alam lang niya na ganitong klase ng pakiramdam ang mararamdaman niya sa pagsama kay Ralph ay tumanggi na sana siya. Subalit sa tuwing sumasagi sa isip niya na makikita na niya sa wakas si Gibson ay pilit niyang nilulunok ang bara na iyon sa lalamunan niya. Huminto si Ralph sa tapat ng isang malaki at mataas na gate. Halos mangawit ang leeg ni Christina. Hindi siya makapaniwala na mayroon palang ganoong klase ng gate. Mayroong dalawang rectangular box sa magkabilang side na umaabot sa bewang niya ang taas. Iyon ang nagsisilbing ilaw. Malamlam ang liwanag pero dahil hindi naman ganoon kadilim sa kalsada ay tamang-tama lang. Nakakapanliit ang mga bahay na nakikita niya. Kahit na disente ang suot niya, pakiramdam niya ay isa siyang basahan na naligaw doon. Halos mansyon ang mga bahay na nadaanan nila ni Ralph. Gusto niya tuloy isipin kung nasa Maynila pa ba sila. Executive subdivision daw ang lugar na pinasok nila,at doon lumaki si Gibson? Pinindot ni Ralph ang buton, ilang ulit na umilaw ang maliit na screen niyon bago may sumagot. Isang gwardiya mula loob ang nakita ni Christina sa tili mini TV na naka-attach sa gate. Napahigpit ang hawak niya sa braso ni Ralph nang bumukas iyon at salubungin sila ng gwardiya. "Sir, hindi niyo po ipinasok ang sasakyan mo?" Tanong nito. Ngumiti si Ralph at saka umiling. "Nakakahiyang ihilera ang sasakyan ko sa garahe, nagmumukhang lata." Anito na ikinatawa ng gwardiya. "We'll walk from here Kuya." Sabi ni Ralph at saka hinila ng bahagya ang dalaga. "Hey, say something Christina. Baka mapanisan ka ng laway niyan." Biro ng binata pero hindi magawang matawa ni Christina. Paano siya tatawa kung nalulunod siya sa hiya sa sarili. Literal na mga tanim na rosas at iba't ibang uri pa ng bulaklak ang nakatanim sa mga gilid ng pavement patungo sa harapan ng bahay. May malaking fountain na nagbubuga ng tubig na umaabot sa pitong talampakan na may iba't ibang kulay at pond na nakakunekta doon. Hindi niya alam kung anu-anong mga halaman pa ang naroroon na maayos na nakadisenyo kung saan my mga ilaw sa ibaba na animo sindi ng isang apoy. "R-Ralph sigurado ka bang bahay ninyo ito? Hindi ba hotel na yata ito?" Natawa ang binata nang lingunin si Christina na nanlalaki ang mga mata sa pagkatitig sa harapan ng mansyon. "Bahay ni Benedict," Sagot niya o pagtatama niya. "Benedict?" "Ang h-haligi ng tahanan." Alanganin imporma niya. "Huwag kang paapekto sa lahat ng nakikita mo Christina. They're nothing but material things. This place no matter how breathtakingly beautiful it is, there's nothing more into it. " Nagtatakang minasdan ni Christina si Ralph. Ngayon lang niya napansin, parang ibang Ralph ang katabi niya ngayon. Sa lahat ng anak na uuwi sa kanyang kinalakhang bahay, ay hindi niya nakitaan ng tuwa o pananabik si Ralph. Instead, he had this distant and reserve look on his face. "Ralph!" Nawaglit ang pagtitig ni Christina sa binata nang marinig ang boses na iyon ni aling Sol. Hindi nga siya nagkamali dahil humahangos itong lumapit sa kanila. Hindi alintana ang ilang hakbang ng hagdan pababa. "Dios mio kang bata ka. Bakit ngayon ka lang. Kanina pa nasa hapag-kainan ang mga bisita. Tila nagpa-panic na litanya ni Sol. " Mga? " Takang tanong ni Ralph. Hindi niya inaasahan na may bisita pa na darating. " Naku, Oo. Bagong kakilala ng daddy mo. Pumasok na kayo. Ang akala ni Ben ay hindi ka na darating-" Nahinto sa pagsasalita si Sol makaraa'y pinakatitigan si Christina. Alanganin namang itinaas ng dalaga ang kamay bilang pagbati at saka ngumiti. "May bisita ka din pala?" Baling nito kay Ralph matapos hindi makilala ang dalaga. Marahang natawa si Ralph matapos ay inakbayan si Christina at saka hinapit ng bahagya palapit sa kanya. "Bakit Nana Sol? Hindi mo na ba nakikilala si Christina?" "Chris..tina? Christina'ng anak ni Lorna?" Nagugulat na ulit nito. "Ako nga po aling Sol." Naasiwa niyang sagot bago inalis ang braso ni Ralph sa kanyang balikat. Patay malisya naman siya  nitong nilingon bago nakakalokong ngumisi. "Aba'y hindi kita nakilala..ay mamaya na tayo magkwentuhan. Hala sige, pumasok na kayo." Pag-aaboy nito sa kanila papasok. Inalalayan ni Ralph ang dalaga sa pagpasok. Pilit na itinuon ni Christina ang pansin sa likod ni Ralph na nauuna sa kanya habang hawak ang kanyang kamay. Sinubukan niyang huwag lingunin at pansinin ang naaabot ng kanyang tanaw. Pero kahit na anong gawin niya ay kapansin-pansin talaga ang interior ng mansyon na iyon. Pero higit na kumuha ng kanyang interes ang  malalaking kwadro ng mga larawan na nakahilera sa pader na nadaanan nila patungong dining area. Larawan iyon ng buong meyembro ng pamilya nila Ralph. Awang ang bibig at halos hindi makapaniwala ang dalaga nang sa pagliko nila mula sa isang pasilyo ay ang maliwanag na dining room o restaurant na ba ang bumungad sa kanya? . LMay tatlong nakatayong mga unipormadong maid na naghihintay marahil ng ipaguutos. Bukod sa pagkahaba-habang grand table at tatlong naglalakihang chandelier na nakahilera sa ceiling ay wala ng iba pang gamit doon. Kaya kitang-kita ang lahat ng naka-upo sa mesa na ngayon ay naka-tingin na din sa kanila. Partikular ang mga mata ni Gibson na bakas ang gulat nang mabistahan ang ayos ng dalaga subalit kaagad din nag-dilim ang itsura nito ng bumaba ang tingin sa magka-hugpong na kamay nila ni Ralph. Mabilis na binawi ni Christina ang kamay at inilagay iyon sa kanyang likuran. Parang hindi naman iyon napansin ni Ralph dahil doon ito nakatingin sa dalawa pang bisita umano ng mga Montreal. "You are really late Ralph." Nang-uusig ang boses na iyon ni Benedict na pumuno sa katahimikan ng paligid. Nanigas ang katawan ni Christina sa pagkakatayo . Natitiyak niyang ang nagsalita ang ama ni Gibson at Ralph. Dahil bukod sa para itong matandang bersyon ni Gibson ay ito ang bukod tanging nagbibigay ng kakaibang tensyon at otoridad sa kabuuan ng silid kainan. "I'm sorry dad, I have some patients that needed to be look at before I head here." "You mean, she." Pumaling ang mga mata ni Christina sa lalaking nagturo sa kanya gamit ang tinidor. Nakaramdam ng pagka-asiwa ang dalaga sa paraan ng pagkakatingin nito sa kanya matapos na dilaan ng walang anuman ang tinidor na hawak nito at saka ngumisi bago iyon itinusok sa karne na nasa pinggan nito. "I thought it's just a family dinner dad?" Tanong ni Ralph matapos na bigyan ng nagbabantang tingin si Carlton. "I'll invite whoever I want in this house. Who's with you?" Tukoy nito sa dalaga. "Uh, This is Christina. She's my date. " Pakilala ni Ralph sa kanya. "And that my dad Benedict." Halos pabulong na habol ni Ralph. Nanlaki ang mata ni Christina. Tiningala niya si Ralph pero sa ama nito ito diretsong nakatingin. Bothered by what he said, she divert her eyes to Gibson that look murderous at the moment. Bubuka na sana ang bibig niya upang kumontra pero muling nagsalita si Benedict. "Both of you, sit down. The foods are getting cold. " Utos nito sa kanila. Naramdaman niya ang pag-daiti ng palad ni Ralph sa kanyang likod at igiya siya sa upuan katapat ng babaing minsan na niyang nakilala. Matiim itong nakatingin sa kanya na tila inaaral ang kilos niya, habang dinadampian ang sulok ng pulang-pula nitong labi gamit ang table napkin. Anong ginagawa ni Olivia dito? Piping tanong sa isip ni Christina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD