Lumilikha ng ingay ang paghiwa ni Gibson sa stake na nasa kanyang plato. Paulit-ulit niya iyong hinihiwa kahit na hindi naman niya kinakain. Panaka-nakang tinatapunan siya ng nagbabantang tingin ni Benedict ngunit sa tuwing magtatama ang mga mata nila ay mas binabagalan pa niya ang paghiwa at pagdiin ng kutsilyo sa plato nananadya dahilan para lalong manliit ang mga mata ng ama sa kanya.
Nagpupuyos ang dibdib niya sa inis sa kapatid. Habang tumatagal ay lalo siyang nakakaramdam ng pagkairita. Hindi sumagi sa isip niya na makikita si Christina lalung-lalo na sa bahay na iyon. Higit sa lahat nang ianunsyo ni Ralph na date nito ang dalaga.
"Hindi ko alam na magkakilala pala kayo ni Dr. Martin.. dad,"
Sulyap ni Ralph sa ama.
"I've met Simeon a few days ago nang um-attend ako sa opening ng isang pharmaceutical laboratory. We get along, and he told me na may anak siyang doktor din kaya inimbitahan ko sila para sa dinner. Olivia is a perfect match for Gibson..or you Ralph."
Nahinto sa akmang pag-inom ng tubig si Ralph. Now that's the least thing that he wanted to hear. Nang pumaling siya sa kapatid ay mariing magkalapat ang labi nito. He can see the veins on his temple and neck popping.
Inilibot niya ang mata sa paligid. Christina was shock, and he can't fathom what's happening inside of her head right now. Olivia on the other hand didn't look so surprised. Infact she have this serene smile plastered on her lips. Mukhang alam nito ang binabalak ng dalawang matanda. Even Harlene their step mother and her son Carlton gave him a smug look that says *good for you *.
" D-Dad? What kind of joke is that?"
"You know I don't do jokes Ralph. Carlton is still young, and I can't expect anything from him.."
"What? Are you insulting or praising me dad?"
Sabat ng sabaw niyang kapatid.
"It's alright honey. You've got the future bright ahead of you."
Harlene patted her sons hands that was already balled into fist.
"Why don't we ask Olivia.?"
Baling ni Harlene sa dalaga. She's well composed when she look at Harlene's direction. Giving her a very alluring smile before she said..
"I don't see anything wrong with it. I'm single, and given a chance, I would love it if it's Gibson. We've known each other anyway."
She said with such confidence that earn a contented smile from Benedict.
"Why no one mentioned that you two knew each other? Kanina pa tayo dito.."
"We knew her dad. She's my co-doctor, and one of Gibson's friend. "
Ralph simply said.
"If that's the case, mas maganda kung ganoon. It's a perfect -"
Kumalampag ang kumbyertos sa sahig. Tigagal na nilingon ni Christina ang mga nakaupo. Kangina pa nanginginig ang katawan niya sa lahat ng naririnig sa silid kainan na iyon.
"P-pa-pasensya na.."
Halos hindi magkandatuto niyang sabi. Sinubukan niyang yumuko upang abutin ang nahulog na kubyertos pero hinawakan ni Ralph ang braso niya kaya napalingon siya dito.
"Don't. It's okay."
Anito at saka binalingan ang isa sa mga maids.
"Please take the spoon, and give us a new one."
Utos niya. Kaagad naman iyong tumalima.
Benedict fake a cough, before he smile again, but not before he gave Christina a warning look.
"Back to what I'm saying. Since mukhang may pinag-kakaabalahan si Ralph -"
Anito sabay tingin kay Christina, at saka muling hinarap si Gibson.
"Don't you think Olivia is a perfect pair for you son? After all you've past the marrying stage..how old are you? 30? 31?"
Hindi sumagot si Gibson, sa halip ay pabalabag siyang tumayo at saka malakas na inihampas ang mga kamay sa mesa. Namumula ang mukha sa galit na pinakatitigan ang ama at sarkastikong tumawa.
"Iniisip mo ba talagang susundin ko ang gusto mo? Matagal mo na dapat alam na hinding-hindi ako makikinig sa iyo. Bakit hindi si Carlton ang ipakasal mo at hinugin mo rin sa pagka- bata, or better yet, bakit hindi na lang ikaw? Since you badly wanted that marriage.. dad. "
" You.. "
Tumayo si Harlene at dinuro si Gibson, subalit bago pa ito muling makapag-salita ay naunahan na siya ni Carlton na sumugod sa binata. He pushed him hard on his chest. He stumble but not enough to off balance him.
Gibson grab Carlton's jaw, putting pressure on his fingers making his step brother winced in discomfort and pain. After satisfying himself from the look of fear that he inflicted from him, he forcefully released him with a push. He staggered and hit the edge of the dining table.
"I'm still strong as a bull Carlton. Huwag mong sagarin ang pasensya ko."
"How dare you hurt my son you disgraceful -"
"That's enough Harlene!"
Malakas at halos buong sigaw ni Benedict dito. Tigagal na napatingin si Harlene sa kabiyak bago dinampot ang table napkin at ihagis iyon sa gawi niya.
"Kinampihan mo pa talaga ang walang modo mong anak! Magsama-sama kayo!"
Anito sabay hablot sa kamay ni Carlton at kaladkarin palabas ng silid kainan.
"Sorry not sorry for the usual scene dad."
Walang anuman na sabi ni Gibson ng manatiling tahimik ang lahat. Kinuha niya ang jacket na nakapatong sa backrest ng upuan at saka nagsimulang maglakad palabas.
"How long do you keep on being like this Gibson."
Nahinto si Gibson sa paglalakad ng marinig ang ama. He dryly smiled to himself and without looking back he answered.
"What? Being a disgrace to your so called family? Ang bulok na mansanas sa pamilyang perpekto sa mata ng lipunang ginagalawan mo? Hindi ko rin nga alam kung bakit hanggang ngayon pinapagamit mo pa rin sa akin ang pinakaiingatan mong apelyido. When infact I have nothing but ruined your precious reputation."
" Then why do you keep using that surname son.."
Benedict ask on gritted teeth.
" Why you said? Dahil habang dala-dala ko ang epelyido mo, dala-dala ko pa rin ang dahilan kung bakit ako nabubuhay ng ganito. You made me who I am dad. "
Hindi na nakakibo pa si Benedict kahit na nang makalabas na ng tuluyan si Gibson.
He cleared his throat and with his shaking hands grab the glass of water and drank it until there's nothing left.
" D-dad.."
"I'm fine Ralph. Mauuna na akong umakyat sa aking silid. Please excuse me. And I'm sorry for what happened.."
Benedict left them. Nobody speaks, not even Olivia who seemed humiliated and shocked at the same time. Hindi nito akalain ang flat out rejection mula kay Gibson lalo na ang eksena sa buong pamilya nito.
" I guess we're leaving too.."
Imporma ni Simeon. Inayos-ayos nito ang suot na necktie na para bang nasasakal ito gayung maluwag naman iyon.
"I'm sorry Dr. Martin, Olivia..I hope this won't be your last visit."
Hinging paumanhin ni Ralph sa mag-ama.
"Y-yes, of course."
Tila labas sa ilong na sagot ni Simeon.
***
Hanggang sa mga oras na iyon, kahit na nasa sasakyan na muli si Christina pauwi ay kumakalabog pa rin ang puso niya na animo nagwawala na sa kanyang dibdib. Hinding-hindi pa niya nakita ang ganoong klase ng galit ni Gibson. Wala siyang nagawa kung hindi mangiki sa takot na baka magpang-abot pa ang mag-a-ama. Hindi rin nakaligtas sa paningin niya ang talas ng tinging ipinupukol nito kay Ralph, maging siya ay hindi nakaligtas sa mapang-uri nitong titig.
Alam niya at hindi na niya kailangang makiramdam pa. Hindi nagustuhan ni Gibson ang presensya niya sa bahay na iyon.
Subalit ang higit na bumagabag sa kanya ay ang katotohanan na hindi maayos ang samahan ng pamilya nito. Na may malalim na galit ang binata sa sariling ama, at ang harap-harapang pagpapakita ng disgusto ni Harlene at Carlton sa magkapatid na Montreal.
"Pasensya ka na, hindi ko intensyon na makita mo o masaksihan kung anong klase ng pamilya ang meron kami."
Malungkot na hayag ni Ralph habang nasa daan ang atensyon. Lumingon si Christina dito subalit hindi siya sumagot. Hinintay niyang magsalita pa ang binata dahil mukhang nais nitong maglabas ng saloobin.
"Do you wanna know how messed up my brother is? Or rather how messed up the Montreal is.."
Ani Ralph na tinapunan ng tingin si Christina na lalong umawang ang bibig sa pagkalito.
She gulped and try to calm her already wrecking nerves. Somehow, she knew, Ralph will open a can of worms and maybe he wanted to see if she can still love Gibson along with his past.