Kinabukasan ay naunang nagising si Gino, nakaligo at nakapagbihis na siya at may tinawagan sa phone, maya maya ay nagising si Lia, nakatalikod si Gino sa higaan
"Yes Ninong....Thank you so much po...sige po...okay po...thank you po..bye" paglingon niya sa higaan ay gising na si Lia, ngumiti siya at lumapit dito tapos ay hinalikan sa noo
"Good Morning Mrs. Montefalco" ani ni Gino, napangiti si Lia
"Good Morning asawa ko" ani ni Lia
"Sarap naman" ani ni Gino "Magprepare ka na para makapag almusal na tayo" inabot niya ang towel kay Lia
Harap harap na sila sa dining para mag-almusal nang magsalita si Gino
"Dad I have something to tell you"
"Yes?"
"Tinawagan ko kasi si Ninong Lorenzo kanina"
"Ahh si Judge Lorenzo"
"Yes Dad"
"O Bakit?" napatingin naman si Lia kay Gino, hinawakan ni Gino ang kamay ni Lia "Wait Gino, parang alam ko na ang kasunod nito, tumawag ka kay Lorenzo dahil gusto mong pakasalan na si Lia?"
"Yes Dad, I want to marry Lia as soon as possible"
"So you mean of civil wedding"
"Yes Dad"
Natahimik si Don Ramon, kinabahan naman si Lia at Gino, may pakiramdam sila na hindi ito payag sa plano nilang magpakasal, nangingilid na ang luha ni Lia, natatakot siyang hindi niya mapigilan ang pagtulo nito
"Gino, I am not in favor of civil wedding, mas maganda if church wedding"
"Dad, magpapakasal pa rin kami sa church, pero gusto ko muna magpakasal muna kami sa civil"
"Whats the rush Gino?"
"I really love her, at gusto ko po sana na maging legal na kaming mag-asawa" ani ni Gino habang nakatingin kay Lia
"Okay, kung yan ang desisyon niyo, just promise me na may church wedding kayo"
Napangiti silang dalawa "Thanks Dad" ani ni Gino
"Thank you po Tito"
"Ooopss, Lia, call me Dad" nakangiting sabi ni Don Ramon
"Thanks po Dad" ani ni Lia
"Sounds great, o kailan naman kayo magpapakasal?"
"The day after tomorrow Dad"
Natawa si Don Ramon " Anong pangungulit ang ginawa mo sa Ninong mo iho?"
"Sabi ni Ninong ngayon lang ako humingi sa kanya kaya pagbibigyan niya ako, siya na ang bahala sa lahat Dad"
"Okay, the day after tomorrow, kailangan nating magpareserve para sa reception"
"Dito na lang Dad sa bahay kaya"
"Naku mahihirapan tayo niyan, magpareserve na lang tayo sa isang restaurant, ilan ba ang guest?"
"Wala Dad, tayo tayo lang po, sa church wedding na lang po tayo babawi"
"Okay sige, well, congrats to both of you" ani nito
Dumating ang araw ng civil wedding nila, ang andun lang ay si Roy, Don Ramon at Judge Lorenzo at si Lia and Gino, hindi na muna sila kumuha ng Ninong at Ninang dahil mas importante sa kanila ang kasal nila. Pagkatapos ng seremonyas ay nag-usap muna sila Don Ramon, Judge Lorenzo at Gino, si Roy naman at Lia ang magkausap
"Akalain mo yun tol, naunahan mo pa akong mag-asawa" ani ni Roy
"Ang bagal mo kasi, sinagot ka na ba ni Sheila?"
"Hindi pa nga eh, tingin mo magpamiss kaya ako?"
Napangiti si Lia, naalala niya kasi na bago sila nagkaaminan ni Gino ay ilang araw din silang walang communication, kaya nung nagkita sila ramdam nilang namiss nila ang isat-isa at dun na sila nagkaaminan "Sige tol, magpamiss ka"
"Sinabi mo yan ah, pag ako hindi namiss nun lagot ka sa akin" at nagtawanan sila, kumain lang sila sa isang restaurant, at nagpaalam muna silang mag-asawa na sa condo muna tutuloy para kumuha na rin ng ilang damit ni Lia, pag dating nila sa condo ay nag-ayos na ng damit si Lia pero tahimik lang, hindi kumikibo, napansin ito ni Gino kaya tumabi ito sa asawa
"Misis ko, may problema ba?"
"Wala naman"
"Bakit kanina ka pa tahimik?"
"Wala, ang bilis kasi ng pangyayari, napunta lang ako dito sa Maynila para sana maghanap ng trabaho, napadali lang kasi muntik na ako madisgrasya sa Zambales, nakita mo ako, nagandahan ka sa akin" natatawang sabi ni Lia, napangiti naman si Gino at hinalikan siya sa labi "tapos inalok mo ako ng trabaho, naging magkaibigan tayo tapos nagkaroon ng misunderstanding at nagkaaminan tapos ngayon mag-asawa na tayo, at halos lahat nang yun ay saksi ang bawat sulok ng condo na to"
"Lia ko, mahal na mahal kita, oo mabilis tong nangyari sa atin, pero wala yun sa bilis o tagal, ramdam ko sa puso ko na ikaw na ang gusto ko makasama sa buhay ko"
"Ako rin asawa ko" nakangiting niyang sagot
"Ang sarap naman nun, gusto ko talagang tinatawag mo akong asawa ko"
"Asawa ko, asawa ko, asawa ko" at nagtawanan silang dalawa at muling hinalikan ni Gino sa labi si Lia
"Bilisan mo na yan Mrs. Montefalco"
"Opo na po" nakangiting ani ni Lia