Dumating ang weekend, nakasakay na sila sa kotse papunta sa bahay nila Gino, si Gino ang nagdadrive at katabi niya si Lia na tila hindi naman mapakali, nahalata yun ni Gino kaya hinawakan niya ito sa kamay, at napakalamig ng kamay nito
"Lia...ang lamig ng kamay mo" gulat niyang sabi
"Kinakabahan kasi ako"
"Relax my girl" at hinalikan nito ang kamay ni Lia "Andito lang ako, ang ganda ganda mo nga ngayon, pinaghandaan mo talaga si Dad" nakangiting sabi ni Gino, nakamaroon dress kasi siya na hanggang tuhod at doll shoes na white, naka ponytail rin ang buhok niya, naglagay na rin siya ng kaunting cheek tint at lip tint, fresh na fresh nga kung titingnan siya, maya maya ay nakapasok na sila sa garahe, lalong kinabahan si Lia
"Gino para akong natatae sa sobrang kaba" ani ni Lia, natawa naman si Gino
"Ano ka ba? Relax lang ahh" bumaba na si Gino sa kotse, at inikutan si Lia, pag baba ni Lia ay siya namang labas ni Don Ramon sa pinto, biglang napalunok si Lia nang makita ang ama ni Gino, hindi pa naman ito katandaan, hindi pa ito senior citizen
"Hi Dad" ani ni Gino habang hawak si Lia sa kamay at lumapit sila sa matanda "Meet my girl, my Lia Jasmine Alvarez, Lia, meet my Dad, Ramon Montefalco"
"Hi po Sir" ani ni Lia, lumapit naman si Don Ramon sa kanya at bumeso
"Hi Lia, kaya naman pala lokong loko si Gino sayo, napakaganda mo namang bata" nakangiting sabi nito
Napangiti naman si Lia, medyo nawawala na ang kaba niya "Hindi naman po, salamat po"
"Tara pasok at nang makakain na tayo" at nauna nang pumasok ang matanda, sumunod naman si Gino at Lia, kumapit naman si Lia kay Gino, pag dating nila sa dining at pumwesto na sa gitna si Don Ramon, si Lia naman ay nasa kanang bahagi ng table katabi si Gino
"Iha kain lang ng kain ah, wag kang mahihiya"
"Opo" ani ni Lia
"Dad, may Business Trip ka ba ulit? ani ni Gino
"Next Month mga one week lang babalik ako sa Texas" at tumingin ito kay Lia na tahimik lang "Iha, please don't get offended ah, pero kasi parang may kamukha ka, hindi ko lang talaga maalala kung sino, kaya pasensiya ka na kung napapatingin ako sayo"
"Naku, isa lang po ang kamukha ko, ang nanay ko po" nakangiting niyang sagot, nagkibit balikat naman ang matanda
"Well maganda rin ang nanay mo kung ganun"
"Opo mana po siya sa akin"
Natawa naman ang matanda sa sagot niya "Talagang siya pa ang nagmana sayo ahh"
"Biro lang Sir, pasensiya na rin po kinakabahan po kasi ako"
"Iha, call me Tito, gusto ko nga sana Dad na rin itawag mo kaya lang baka masyado naman akong advance"
"Sige po Tito" nakangiting niyang sagot
"Ano? Okay ka na?" ani ni Gino habang hawak ang kamay niya, tumango siya at ngumiti "Sabi ko sayo eh, okay si Dad"
"Kayong dalawa ah, dito kayo matutulog ah, marami naman guest room dyan"
"Dad, hindi na kami sanay na hindi tabi matulog" bigla naman lumingon si Lia sa kanya at nilakihan siya ng mata
"Oo nga naman, you're living together na nga pala" natatawang sagot ni Don Ramon, napayuko naman si Lia, nahiya kasi siya bigla sa sinabi ni Gino at napansin yun ni Don Ramon "Iha, okay lang yan, naintindihan ko pero sana Gino" tumingin ito sa anak "Mauna ang kasal kesa sa magiging apo ko"
"Oo naman Dad" napatingin si Lia kay Gino, wala naman kasi silang napag-uusapan tungkol sa kasal, hinawakan siya ni Gino sa kamay at hinalikan ito
"Dapat lang talaga" ani ng matanda
Pagkatapos nilang kumain ay nagkwentuhan silang tatlo sa salas, magaan kausap si Don Ramon, mahilig magjoke at tumawa, maya maya ay nagpaalam ito na pupunta muna at magpapahinga sa kwarto niya, pumunta na rin si Lia at Gino sa kwarto ng huli.
Pagpasok ni Lia ay namangha siya sa laki ng kwarto ni Gino, mas malaki lang ng kaunti ang condo dito, ang kama ni Gino ay nasa gitna, may sarili ring restroom at may walk in closet rin siya, meron din siyang 52" tv, dvd at speaker, habang nililibot ang mata sa buong kwarto ni Gino, bigla siya nitong niyakap mula sa likuran at hinalikan sa pisngi
"Ano na my girl? Takot ka pa kay Dad?" umiling naman siya "Sabi ko sayo okay sa Dad"
"Nahiya lang ako kasi sinabi mo pa na hindi na tayo sanay matulog nang hindi magkatabi"
"Totoo naman ah, and Dad already knows that we're living together, so whats the sense of sleeping in different room?"
"Baka kasi mag-iba tingin ng Daddy mo sa akin"
Umikot si Gino sa harapan niya at niyakap siya "Don't think about that okay? Ang importante naman ay magkakilala kayo ni Dad ng maigi, at higit sa lahat kilala kita okay"
"Gino ang laki ng kwarto mo" ani ni Lia habang papunta sa kama, naupo siya dito at iniikot pa rin mata sa paligid "Bakit kasi kumuha ka pa ng condo?"
"Wala lang, may time kasi na I felt that I want to be alone"
"Tapos dun mo ako pinatira"
"Atin na yun ngayon, dalawa na tayong may ari ng condo"
Natawa si Lia "Wala akong karapatan dun Gino, nakikitira lang ako dun"
"Yun ang akala mo, pinapatransfer ko na sa pangalan nating dalawa ang condo"
"Ha?!" gulat na tanong ni Lia
"Yes, kaya may karapatan ka na sa condo" nakangiting sagot nito, umupo ito sa tabi ni Lia, hinarap niya si Lia sa kanya "Lia, mahal na mahal kita, I want you to be with me forever" at hinalikan si Lia sa labi, may nilabas itong box na maliit sa bulsa "Itong singsing na to, sa Mommy ko to, binigay to ni Dad sa kanya nung naengage sila, sabi ni Dad ibibigay ko lang to sa babaing pakakasalan ko, hindi ko akalain na darating ang panahon na hahanapin ko to, dahil sa totoo lang nawalan na ako pag-asa na gugustuhin ko na bumuo ng pamilya" kinuha nito ang singsing at sinuot kay Lia, napangiti si Gino dahil parang sinukat ito kay Lia
"Diba dapat tinatanong mo muna ako Gino?" seryosong sabi ni Lia, hindi nakakibo si Gino, napayuko at napatitig lang daliri ni Lia na sinuotan niya ng singsing, hinubad ito ni Lia at binalik sa kanya "Ayusin mo muna yang proposal mo" nangingiting sabi ni Lia, napangiti si Gino, tumayo siya at lumuhod sa harapan ni Lia
"Lia ko, my girl, I want you to be with me forever, I love you more than my life, will you be my wife?" ani ni Gino, habang titig na titig kay Lia na puno ng pagmamahal,
Napangiti naman si Lia habang nangigilid ang luha "Yes Gino ko" inabot niya ang kamay kay Gino, at muling sinuot ni Gino ang singsing sa daliri niya, hinawakan niya ang magkabilang pisngi ni Gino at tinitigan ito "Mahal na mahal kita Gino, ikaw ang nagbigay pag-asa sa buhay ko, at gusto kong maging parte ng buhay mo forever" at saka hinalikan si Gino, tumayo sila at nagkayakapan, walang nagsasalita, magkayakap lang.