Sabado 8:30am, nasa baba sina Lia at Camille habang si Gino ay tulog pa sa kwarto nila, nakaupo sa sofa si Lia habang sinusubuan niya ng cerelac si Camille habang ito ay nakaupo sa high chair, tuwang tuwa si Camille kapag sinusubuan ni Lia, at tinitingnan pa nito ang mangkok niya, maya maya ay dumating si Lucas, sinalubong ito ni Lia "Tay, napadalaw ka" ani ni Lia sabay halik sa pisngi ng ama "Oo iha, kasi namiss ko kayo ng apo ko" ani nito, may mga bitbit pa itong pasalubong para sa apo at isang envelope "Kamusta na Camille?" sabi nito sa apo, ngumiti naman ng pagkatamis-tamis ang baby "May pasalubong sayo si Lolo, eto o" sabay pakita ng isang educational ipad tablet na para lamang sa bata, binigay ito sa baby at tuwang tuwa ito na nilaro ang tablet dahil ang daming tunog kapag pumipin

