Marahan ang ginawang pag-alis ni Sandro Villafe sa parte ng mukha ni Sheryl. Magagamit niya kasi ang mukha nito. Maganda iyon kaya alam niyang pupuwede at mabebenta. Matapos na malagyan ng kaukulang gamot ay nasisiyahang isinabit sa iba pa. Marami-rami na rin kasi ang tumatawag sa kaniya kaya kailangan na rin niyang maraming supply. Napangiti siya nang masilayan ang kaniyang mga obra. Sana magtuloy-tuloy na ang ganito. Nagiging sikat na siya sa larangan ng On-Line Shopping. *** Napapatulalang napahawak sa sariling ulo si Jules habang nakatingin sa wala ng buhay na babae sa passenger's seat. Basta na lang kaninang nagda-drive siya ay tinigilan niya ito. Game namang sumama sa kaniya ang babaeng nakamaikling damit. At iyon nga habang nasa daan ay parang may nag-uudyok sa kaniya na itigil

