"Sh*t! Nag-brown out!" biglang sabi ni Paul at saka mabilis na kinapa si Lyka at niyakap ito "Ano'ng ginagawa mo?" gulat na sabi ni Lyka sa binata. "I'm just protecting you," sabi ni Paul na halatang takot sa dilim. "I can handle myself, Paul. Bakit hindi mo na lang gamiting ang cellphone mo bilang flashlight?" sabi ni Lyka sa binata. Napatigil ang binata sa pagyakap kay Lyka kaya kumalas siya rito at inayos ang kaniyang sarili. "Oo nga," sabi ni Paul at saka tumikhim bago buksan ang flashlight ng kaniyang cellphone. "Mabuti na lang at nandito tayo sa kusina. Kuhain natin ang flashlight sa cabinet," sabi ni Lyka sa binata at saka lumapit sa mga cabinet sa kusina. Nagkalkal si Lyka habang si Paul ay nasa likuran niya lang at iniilawan siya. "May rechargeable na electric fan din diyan

