Ako si Luna isang simpleng magaaral.Ako ay nakatira sa Maynila ngunit hindi ko masyadong nagugustuhan dito toxic kasi ang hangin at hindi rin maayos ang pakikitungo ko sa mga tao mahiyain kasi ako at mabilis ma offend kaya siguro wala akong kaibigan hindi ako marunong makipag interact sa iba.
Hindi rin ako marunong mag ayos ng sarili kaya siguro walang nag kakagusto sakin,ngunit mayroon naman akong maipag mamalaki pagdating sa talino isa kase ako sa laging top sa klase.
Ngunit kaya talaga ayaw kong magkaroon ng kaibigan agad dahil nais ko muna silang kilatisin minsan kasi ay nais lang nila akong maging kaibigan dahil matalino ako at tuturuan ko sila sa mga subjects at sasagutan ang mga homeworks nila.
Ngunit nagbago lahat ng iyon simula ng makilala ko si Rina.
Isa siya sa hinahangaan ng lahat ngunit hindi ako isa doon hindi ko kase siya kilala at nakikita kaya't hindi sya pamilyar saakin.
Habang ako ay nag mumuni muni at nakikinig ng musika mayroong lumapit saakin,hindi kosya kilala kaya't nagtaka ako noong lapitan niya ako.
Maganda sya at makinis maihahalintulad kosya sa isang dyosa sa unang kita ko sakanya ako'y humanga
"Hello ikaw si Luna hindi ba?"Tanong niya
"Oo pano mo nalaman?"sagot ko
"Sinabi kase ng ating guro,at ipinatatawag karin niya" sabi niya
"Bakit daw?"
"Pag babantayin kadaw kase ng kanyang tinda ikaw lang daw kasi ang mapagka-katiwalaan at isa pa matalino kadaw"
"Salamat,sige nga pala ano ang iyong ngalan?"sabi ko
"Ako si Rina Sandoval ako yung p.i.o satin hindi mo siguro ako napapansin kasi lagi kang naka dukdok sa mesa mo"
Natawa ako sa sinabi nya,totoo naman kasing palagi akong naka duk dok sa mesa
"Ako naman si Luna Winstel,tara na at naghihintay na siguro ang ating guro"
"Tara"sabi niya
Tumayo ako at nag pag pag ng aking damit.
Isinakbit ko ang aking bag at binitbit ang dala kong libro.
--
Nakarating kami sa aming silid aralan at nakita ko ang aming gurong nakaupo at hinihintay ang aming pag dating
"Ms.Sandoval bakit natagalan kayo?"sabi niya
"Ginang Lopez pasensya napo nag karoon po kase kami ng konbersasyon"wika ni Rina sa aming guro
"Hysst chinika mopa ata siya bago mo sinabi"
"Nako ginang hindi po,hindi ho kasi ako pamilyar sakanya kaya ako'y nag pakilala pa"
"Hay sige sige"
"Nga pala Ms.Winstel ikaw muna ang bahala sa aking tinda kapag may bumili dito mo ilagay sa kahon"turo niya saakin
"Sige po ginang"
"Aba'y maaasaan din ga kitang mag bantay ng iyong kaklase?"
"Susubukan ko po ginang"
"O sya sige mauuna na ako ikaw na ang bahala sa lahat ha salamat iha"sabay kanyang alis
Makalipas ang ilang minutong pag alis ni Ginang Lopez ang kaninang tahimik na klase ay nagmistulang palengke
"Hindi ba kayo titigil may nag babantay sa atin oh hindi nyo ba kita ha?"wika ni Rina
"Kita ko bakit may angal ka?"pabalik na sambit ng aming isang kamagaral na si John
"Aba't ang tigas ng ulo mo huh mag hintay kalang na makabalik si Ginang Lopez at makapag sumbong si Luna ewan kolang sainyo"mahabang wika nya
"Hanapin mo ang pake ko"sabi ni john
"oooh!!"sabay sabay na wika ng aming kaklase
"Ano ba!!tumigil na nga kayo para kayong kinulang sa aruga."hindi nako nakapagpigil at nasigawan ko sila
Base sa ekspresyon nila kita ko ang mangha sa kanilang mukha
"Sino toh pre?"tanong ng isa pa naming kaklase
"Hindi korin siya kilala"bulong ni john kahit pakinig naman
"Ako si Luna Winstel isa ako sa kaklase nyo hindi nyo siguro ako napapansin"
"Pshh"taray ni john at umupo sa kanyang upuan
Namayani ang katahimikan sa aming silid aralan ang kaninang palengke ay naking sementeryo dahil narin sa tunog lamang ng papel ang naririnig
Fast Forward-----
Nakabalik na mula sa meeting si Ginang Lopez nag pasalamat sya saakin at pinabalik ako sa aking upuan
Sinimulan niyang mag klase at mag tanong about sa aming guro mga natutunan.
Bale parang review lang rin.
Hindi naman na ako nahirapan dahil tanda ko iyon noong aking inaral
Makalipas ang ilang minuto
Oras na nang recess at nagliligpit na kami nang aming gamit ay bigla akong nilapitan ni Rina
"Luna sabay tayong kumain sa canteen"
"Sige intayin mo ko aayusin ko lamang ang gamit ko"
Matapos kong ayusin ang aking mga gamit sinakbit ko ang bag at binitbit ang aking mga libro
"Tara na Rina"
"Ayy"gulat nyang sabe nakatulala kasi sya na tila wala sa mundo
"Ikaw pala Luna bakit ka naman kasi nanggugulat"
"sorry naman hindi kase kita napansing nakatulala ano ba kasing iniisip mo"
"Iniisip ko kasi si John"lutang na saad niya
"Ikaw huh"
"Huh anong ako, bakit"
"May gusto ka kay john ano"
"Hindi ah wala kaya"namumulang sambit nya
"Sus halata naman sa mukha mo para ka kayang kamatis"
"Haluh grabe sya oh"
"Haha tara nanga at gutom nako"
"Ay oo nga pala,btw libre na kita"
"Hala dinga"
"Oo nga
"Sige tara na sabi moyan huh"
"Oo na tara na"
Habang nag lalakad kami patungo sa canteen napadaan kami sa court at nakita naming nandoon si John at mga kaibigan nya
Pansin kong may kaakbay si john kaya't aking tinignn si Rina at nakita ko ang mata ko nalamang siyang nakayuko
"Rina ayos kalang ba anong nangyare sayo bakit ka nakayuko may problema ba?"
Agad niyang pinunasan ang kanyang mata at tumingin sakin ng nakangiti ngunit hindi umobra ang galawan niyang iyon upang hindi ko mahala na na umiyak sya.
"Ayos lamang ako at anong sabi mong umiiyak hindi kaya kita mo ang laki laki kaya ng ngiti ko"saad niya habang namumula ang ilong at pisnge
"Anong hindi halata kaya oh tignan mo sa salamin ang mukha mo para kang nag blush on"
Sinunod nya iyon at kinuha ang salamin mula sa kanyang bag at tinignan ang kanyang mukha.
Rina P.o.v
Kinuha ko ang aking mini mirror sa bag ko at tinignan ang mukha ko nagulat ako nang makitang totoo nga ang sinasabi ni Luna mapula nga ang aking ilong at pisnge
Agad ko itong tinakpan gamit ang panyo
"Hindi ba sabi ko sayo eh kaya hindi uubra ang ganyang galawan mo sakin"
Mabilis basyang mangilatis o sadyang halata lang
Sa totoo lang si John ay ex boy best friend ko
Nagkawalay kami dahil inilipat ako ni school which is dito sa Deluxe.
Umiiyak sya ng sobra ng malaman nyang aalis ako
Nakiusap syang manatili nalang ako at wag na akong umalis ngunit hindi ko iyon pinakinggan
Dumaan ang mga taon hanggang sa nag daos ako ng aking ika labing pitong kaarawan
hiniling ko sa aking mga magulang na gusto kong bumalik sa pilipinas upang hanapin siya at
Sabihin ang tunay kong nararamdaman ko para sakanya .
Dumating ang araw na iyon ngunit tila ako'y huli na nakita kosyang may kayakap na iba habang ngiti nya'y abot tenga
Nasaktan ako dun ng sobra kaya't tumakbo ako hanggang sa kalsada
Hiniling ko na sana panaginip lahat ng ito ngunit pag mulat ng mata ko napagtanto kung totoo ito.
Luna P.o.v
Habang nagsasalita ako at naghihintay nang aming order napansin kong tila wala siya sa mundo
Kinulbit kosya at tinanong ngunit tila ayaw niyang bumalik sa mundo
Nagsalita ako at umasang babalik siya sa kanyang wisyo
"Huy Rina nakikinig kaba tila yata malalim ang iyong iniisip si john bayan huh"
Napabalik siya sa ulirat
"H-hindi ah bakit ko naman sya iisipin eh hindi namn kami saka hindi ko naman sya gusto"saad niya ng mabilis natawa ako dahil nag mumuka syang defensive
"Rina halata kana wala naman akong sinabing gusto mosya sinabi kolang ay kung iniisip mosya nah mumuka kang defensive gurl"
Napayuko ito sa hiya at hindi nakaimik
At doon na nag simula ang pag kakaibigan namin nag simula kami sa asaran at kulitan
Ngunit hindi din nag tagal na hulog ang luob ko sakanya hindi ko ito inaasahan at inaasam hindi ko nanaising masira ang aming pag kakaibigan dahil lamang sa aking nararamdaman nais ko na sana siyang lapitan ngunit parang may pumipigil saakin.
Di kalaunan nalaman din niya ang nararamdaman ko para sa kanya at ang akala Koy magagalit siya at hindi ako papansinin ngunit akala kolang pala iyon
Umamin siya sa akin na akoy kanya ding gusto na nais niyang makasama pa ako hindi na bilang kaibigan kundi bilang kasintahan
noong araw na iyon ang napakasayang araw sakin hanggang ngayun tumanda man ang aming itsura ngunit ang mga ala-ala namin na nananatiling siya.
Wakas