“MIRASOL,” ani ng boses na hindi ko kilala. Ang lalim at ang baba ng boses niya. Para siyang nanggagaling sa hukay, feeling ko pa parang ang lamig-lamig ng boses na iyon. Hindi ko alam kung lalaki ba o babae ang nagsasalita at tinatawag ako. Pagmulat ko ng mga Mata ko madilim na naman ang nakikita. Pero nararamdaman ko sila Devine sa paligid ko. Nararamdaman ko na may mga humahawak sa Akin. Pati na rin ang tumatawag sa Akin pero iyong boses na sobrang layo na sa Akin. “Mirasol,” ito na naman ang boses na iyon. “Sino ka ba?” lakas loob ko nang tanong. Tumawa siya ng mahina, “ako’y ikaw at ika’y ako.” Napalingon ako sa paligid ko. Pero wala akong makitang kasama ko. Nasa madilim Lang ako na lugar. “Magpakita ka nga sa akin,” sigaw ko. Pero hindi na siya sumagot pa sa akin. Pero

