“SI DEVINE, baka makatulong si Devine sa atin. I saw her with you two the last time at the resto,” ani Ate Leonora. Nasa kusina Pa rin kaming dalawa. Umalis muna si Teofelo nang may tumawag sa kaniya. Parang isa sa mga professor niya or baka classmate niya. “Devine? Ano naman ang kinalaman ng babaeng iyon dito?” takang tanong ko. “wala bang pinaliwanag sayo si Teofelo?” balik tanong niya na iling lanh ang sagot ko. Napatirik ang Mata ni Ate Leonora bago nagbuga ng hangin. “Iyang si Teofelo talaga, akala namin nagpaliwanag na sayo. May pahila-hila Pa siyang nalalaman, pinagod ka Pa niya. Iyon naman pala wala rin naman Pa lang sinabi sayo,” sabi ni Ate Leonora. Pero sa lahat nang sinabi niya sa Akin iyong pinagod ang natalagang nakatatak sa utak ko. “Ate Leonora kasi iyong i

