NAKATITIG Lang ako Kay Teofelo, galit na galit siya kung titignan. Panay ang kunot noo niya, ang pagtiim ng bagang, pati ang pagkuyom ng kamao habang nakahawak sa manebela. Mula sa hotel basta na Lang niya akong hinila palabas at ngayon nga ay nandito na ako sa tabi niya. Wala naman siyang kahit na tanong sinabi. Basta Lang niya akong hinila at inilayo sa lugar na iyon. Pero hanggang sa basta na lang siyang huminto. Inaasahan ko na magsasalita na siya, pero ang hindi ko inasahan ay ang bumaba siya ng sasakyan. Sa nakikita ko, nagwawala siya sa labas. Nagsisisigaw siya sa labas habang nagpapapadyak din. Pinalipas ko Lang ang isang minuto bago ako lumabas na rin ng sasakyan at linapitan na siya. “Gusto Kong ilayo ka sa gulo na mayroon ang pamilya ko. Ayoko nang madamay ka Pa sa kun

