BACK TO normal kung matatawag itong set-up ko. Nasa loob nang katawan ni Kuya Nic. Kahit na anong gawin kong pakiusap kay Kuya Nic hindi na siya pumapayag na makipagpalit sa akin. Hindi ko naman nakakausap si Teofelo. Ni hindi nga ako kinakausap nila Devine at Kuya Nic. As in hindi nila ako pinapansin samantalang alam kong naririnig nila ako. “Devine!” sigaw ko na naman. Naiinip na ako, ilang araw na akong nakakulong dito wala akong balita sa labas. Wala as in zero knowledge ako sa mga nangyayari sa labas. Ayoko namang gawin iyong ginawa ko kay Kuya Nic noon na wala akong paalam sa kaniya na ginamit ko ang katawan niya. “Devine, Kuya Nic! Please kausapin niyo naman ako. Kahit kausapin niyo lang ako, hindi na ako mamimilit na makipagpalit sa iyo Kuya Nic,” pakiusap ko na naman. Halos

