NAKATITIG LANG ako sa kaniya habang siya naman maligalig ang tingin. Para siyang may hinahanap. “Mirasol, sana sumunod ka sa napag-usapan natin. You know what will happened if you don’t,” ani Devine. Nang matapos magsalita si Devine doon Lang niya ako tinitigan. Ang tagal niya akong tinitigan, nakipagtitigan din naman ako sa kaniya. Lumapit pa sa ‘kin si Mirasol, pero bago pa tuluyan na makalapit siya sa ‘kin nahatak na ako ni Devine. “Isang maling galaw mo lang, lahat ng ito mawawala. I don’t care now if I lost my list with this. Hindi ko naman mali ang lahat nang ito. Sino ba ang masusunog ang kaluluwa sa impyerno. Hindi naman kami,” sabi ni Devine. Huminto si Mirasol sa kung anong balak niyang gawin. Nakatitig na naman siya sa Akin. “Nais ko nang tigilan ang lahat,” aniya

